^

PSN Opinyon

Mundo sinasakop ng mga Pinoy

- Al G. Pedroche -
DETROIT, MICHIGAN – Ang mga Pilipino ay kabilang na ngayon sa pinakamalaking ethnic group sa United States. Kung populasyon ng mga overseas workers ang pag-uusapan, pinakamalaki nang maituturing ang bilang ng mga Pilipino.

Pero di tulad sa ibang bansa, karaniwan nang nagiging US citizen ang mga Pinoy na matagal nang namimirmihan dito. Nasa dugo ba ng mga Pilipino ang nasang makipagsapalaran sa ibang bansa? Marahil.

Alam n’yo ba na batay sa mga historical accounts na tinipon ng aklat na Work Abroad, noon pang taong 1500 ay may mga ebidensya na ang mga Pinoy ay nagtrabaho sa ibang bansa. Ang mga Pinoy ay naging obrero sa Galleon Trade o mga sasakyang dagat na naghahatid ng kalakal mula Acapulco patungong Manila at ibang panig ng mundo. Ngunit mahirap ang working condition sa Galleon kaya marami sa kanila ang nag-TNT sa gulf ports ng New Orleans sa Amerika.

Sila ang naging unang grupo ng mga Pilipinong nag-TNT sa Amerika. Masuwerte sila dahil walang immigration officers na naghabol sa kanila dahil maluwag pa noon ang pagpasok sa ano mang bansang maibigan.

Noong taong 1761 isang Pinoy na nagngangalang Antonio Miranda Rodriguez Poblador, kasama ang may 44 na iba pa ang ipinadala ng España sa Mexico upang bumuo ng isang lungsod na kilala ngayon bilang Los Angeles na parte na ng USA.

Sumapit ang taong 1906 at dito’y dumagsa ang ikalawang malaking grupo ng mga Pinoy sa Amerika na kung tawagin ay Sacada. Sila ang unang Pinoy migrants. Mga magsasakang mula sa Northern Luzon na ni-recruit ng Hawaiian Sugar Planters Association mula sa Maynila.

Ngayon, hindi lamang Amerika ang paboritong destinasyon ng mga migrant workers na Pilipino. Naririyan na rin ang Gitnang Silangan, Hongkong, Taiwan, China, Japan at halos lahat ng bansang may oportunidad silang magtrabaho. Isa lang ang ibig sabihin. Sa tingin ng mga Pilipino, walang pag-asang guminhawa kung magtitiis lamang sila sa Pilipinas.

Email me at [email protected]

AMERIKA

ANTONIO MIRANDA RODRIGUEZ POBLADOR

GALLEON TRADE

GITNANG SILANGAN

HAWAIIAN SUGAR PLANTERS ASSOCIATION

LOS ANGELES

NEW ORLEANS

PILIPINO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with