Panloloko ng Global Lines winakasan ng BITAG!
December 15, 2006 | 12:00am
APAT katao ang inaresto ng mga kagawad ng Special Operations Group ng Manila City Hall, sa isinagawang operation ng pinagsama-samang puwersa ng BITAG, Department of Labor and Employment at Bureau of Promotion and Development Office sa Ermita Manila.
Itoy matapos magreklamo ang mga nabiktima sa tanggapan ng BITAG. Ayon sa reklamo, nagsimula ang panloloko sa kanila ng Global Lines Enterprises nang mag-apply sila dito bilang mga office staff. Sa una ay hindi nila akalain na modus dahil matatamis na dila ng mga ito at hindi sinasabing magbebenta ng water purifier, subalit upang makapasok sa kompanya, kinakailangan palang bumili muna ng water purifier, na magsisilbing one time exam.
Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang BITAG. Tatlong undercover, na armado ng mga concealed camera, ang ipinasok namin upang magpanggap ng aplikante kaya naman kitang-kita namin ang kanilang mga boladas sa panloloko at panggagantso sa mga kawawang biktima, na ang tanging hangad lamang ay magkaroon ng matinong trabaho. Dito pa lang hulog na sila sa patibong ng BITAG.
Sa pinagsama-samang puwersa ng Special Operations Group at Bureau of Promotion and Development Office ng Manila City at Department of Labor and Employment, ikinasa ng grupo ang operation, na siya naman ikinaaresto ng mga inirereklamong sina Richard Solina alyas Raymond Yu, Dino Estolonia alyas Dennis, Elizabeth Pineda alyas Carla at Jane Adriano.
Panoorin sa BITAG EXTREME bukas (Sabado) ang aktuwal na komprontasyon at kung paano kinastigo ng BITAG ang pamunuan ng Global Line Enterprises. Mapapanood ito alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng gabi sa IBC 13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended