^

PSN Opinyon

Estilong ‘water purifier’ ng Global Lines tinuldukan ng BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAKATANGGAP ng reklamo ang BITAG mula sa mga naging biktima ng isang kompanya sa Maynila na nanloloko sa mga biktimang naghahanap ng trabaho.

Estilo ng kompanyang Global Lines Enterprise na maglagay ng advertisement sa mga diyaryo. Naghahanap di-umano sila ng mga office staff pero kapag nag-aaply ka na ay kailangan mo munang bumili ng water purifier sa halagang P30,000 para maka-attend sa kanilang seminar.

Pero kahit umattend ka na sa kanilang seminar ay hindi pa siguradong tanggap ka sa trabaho kung meron man. Pero kung sakaling matanggap ka, ang pagbebenta ng water purifier ang iyong magiging trabaho.

Hindi na bago sa BITAG ang ganitong estilo kaya naman ilang linggong pinag-aralan at i-sinurveillance ng BITAG ang kanilang galaw.

Kaya itong nakaraang Biyernes ay tinuldukan na ng BITAG ang kanilang panloloko kasama ang operatiba ng Special Operation Group ng Manila.

Kaya’t nang komprontahin na ng BITAG ang kolokoy na Assistant HRD Manager ng Global Lines Enterprise na si Raymund Yu ay ang lakas pa ng loob na hamunin ang BITAG na papasok siya ng kulungan kung mapapatunayang nanloloko nga sila.

Kaya naman nagpalipas siya ng ilang araw sa kulungan kasama ang kanyang ilang alagad. Kung hindi sila nakapagpiyansa baka hindi pa nakalabas ang mga kolokoy.

Ayon sa Department of Labor and Employment labag sa Labor Code ang pag-aanunsyo ng mga trabaho na hindi naman totoong iyon ang kanilang kailangan.

Kaya ngayon ay nahaharap sila sa kasong es- tafa related to Article 46 Labor Code dahil sa kanilang ginagawang panloloko sa mga pobreng naghahanap ng trabaho.

Kung hindi man sila naipasara ng katulad naming programa at ng NBI na bumisita sa kanila, sa BITAG hindi sila naka-porma kaya ngayon ay sarado na sila.

Babala ng BITAG sa mga kompanyang may katulad ng estilo ng Glo- bal Lines Enterprise itigil n’yo ang inyong panloloko baka sa susunod ay kayo na ang mahuhulog sa aming BITAG.

At sa mga taong naghahanap ng trabaho mag-ingat sa kompanyang inyong pinag-aaplayan nang hindi maloko.

BITAG

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GLOBAL LINES ENTERPRISE

KAYA

LABOR CODE

LINES ENTERPRISE

PERO

RAYMUND YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with