Kampanya laban sa AIDS
December 10, 2006 | 12:00am
Sa pananaw naman ng mga cancer specialist, 40 porsiyento ng mga may AIDS ang nagkakaroon ng cancer. Ito ay sa dahilang incurable ang sakit at may mababang prognosis. Dahilan din sa pagkakaroon ng ibat ibang cancer nang may AIDS ang masyadong mahinang immune protection. Wala na siyang panlaban sa mga infection kaya ang HIV at cancer ay madaling kumapit. Masyadong mataas na ang infection.
Pinapayuhan ang mga health worker particular ang doctors, nurses, dentists, medical technologists at radiographers na mag-ingat sapagkat lagi silang may contact sa body secretions ng pasyenteng may AIDS. Nararapat na magsuot ng dobleng gloves ang mga surgeons at dentists at magsuot din ng eye-shields habang nag-oopera o nagbubunot ng ngipin.
Ang mga spicemen na nakuha ay nararapat na pag-ingatan ay may wastong label bago ipadala sa laboratory. Ang mga therapeutic radiographers at technologists ay nararapat na maging maingat sa paggamit ng mga skin tattoos at immobilization devices gaya ng bite blocks. Dapat mag-ingat sa paggamit ng needles at cannulae.
Sa aking pananaw, ang AIDS ay mas delikado kaysa cancer. May mga cancer na maaaring iwasan at ang iba ay napagagaling kung maaagang matutuklasan. Ang AIDS ay wala pang natutuklasang lunas, ganoon man maiiwasan ang nakamamatay na sakit na ito kung susundin ang mga payo at babala ng health authorities.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended