^

PSN Opinyon

Ubong may plema delikado; halamang gamot vs arthritis

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
AKALA nang marami ang pag-ubo ay natural lang gaya ng sipon kaya hindi dapat gaanong pansinin. Ang hindi nila alam ang ubo na may kasamang plema ay hindi dapat ipagwalang-bahala. Ayon kay Dr. Rene Santos, isang general surgeon, ang tuyong pag-ubo na may plema ay mahirap gamutin. Ang whooping cough naman ay dapat ding magamot agad dahil ito’y pinagmumulan ng pertusis. Dapat mabakunahan ang mga ng DPT (Dyptheria, Pertusis at Tetanus). Dapat ding magpa-BCG at anti-TB vaccine.

Sinabi ni Dr. Santos, kapag may sipon at ubo ang bata dapat silang patingnan sa doktor para maiwasang lumala.
* * *
Ang aking pinsang lalaki ay may arthritis at kapag sinusumpong siya nito ay hirap na hirap siya. Sobra raw sakit ng kanyang mga kasukasuan at kalamnan. Matagal na siyang pinahihirapan ng arthritis.

Dahil mahal ang gamot sa arthritis, mga halamang gamot ang ginagamit ng aking pinsan. Kabilang sa mga halamang gamot na kanyang ginagamit ay ang pansit-pansitan. Pinakukuluan niya ito at hinihigop ang sabaw. Nababawasan ang kirot ng kanyang mga kasu-kasuan.

Umiinom din siya ng sabaw ng nilagang luyang dilaw para bumaba ang kanyang uric acid. Dinidikdik din niya ang luyang dilaw at ipinapahid sa kanyang namamagang tuhod, binti, braso at sakong.

Nakatutulong din nang malaki ang dahon ng tuba-tuba. Nilalagyan niya ng langis ang dahon ng tuba at dinada-rang sa init. Itinatapal niya ito sa masakit na bahagi ng katawan.

AYON

DAHIL

DAPAT

DINIDIKDIK

DR. RENE SANTOS

DR. SANTOS

DYPTHERIA

ITINATAPAL

KABILANG

MATAGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with