^

PSN Opinyon

May malasakit sa media si Bataoil!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
IPINASALUBONG ni newly-designated Recom I Director Pol Bataoil ang may 2,500 pieces na full grown marijuana matapos nilang makumpiska ito sa pagitan ng La Union at Benguet province.

Ang pagtsongki, este mali, pagsunog pala ay gagawin sa Camp Florendo Parian, San Fernando City, La Union. Ika nga, maraming magti-tripping sa usok. Sabi nga, hey men!

Ang isyu, todo ang pagmamalasakit ni Pol sa mga patayang nangyari sa iniwanan niyang distrito dahil nang umalis siya at lumipat sa Region 1 ay nagsilutang ang mga gagong killers sa CAMANAVA para ipaghiganti ang kanilang mga kakosang naka-karsel ngayon. Sabi nga, patayang umaatikabo ngayon!

Dinamdam ni Pol ang pagkamatay ng mga media practitioner na sina Alberto Orsolino, Saksi reporter, Prudencio Dick Melendrez, photog ng Tanod at Ralph Ruñez ng RPN-9.

Samantala, pinapatay naman ng mga kamoteng gago ang families ng mga eye witness na nakasaksi sa mga ginawa nilang karumal-dumal na krimen. Si Celerino Galarce, erpat ni Charles, witness sa pagpatay kay Ruñez ay binoga ng mga kamote. Dead-on-the-spot ang pobreng alindahaw.

Kaya si Pol, dehins tumitigil sa pagmonitor ng mga nangyayari sa dati niyang jurisdiction dahil up to now, tinatawagan pa rin niya ang mga katulisan, este mali, kapulisan pala na huwag tutulug-tulog sa mga maaaring mangyari dahil nakaabang lamang ang mga gagong killer para mag-revenge.

Walang sinasanto ang mga killers sa CAMANAVA mapa-bata o matanda, pangit o pogi, naligo o hindi, may ngipin o wala basta ang sa mga kamote kailangan dead ka! Ika nga, six feet below the ground!

Yesterday, ang latest news nadakip nina P/Supt. Willy Ramos, OIC ng Malabon police force at mga katulisan, este mali, kapulisan nito si Maico Reynaldo, sa isang masukal na lugar diyan sa Barangay Pintoy, Bocaue, San Mateo, Rizal. Samantala, si Nonoy Mondares, up to now at large.

Ang dalawang kamote ang itinuturo ng mga testigo na tumigok sa erpat ni Charles Galarce.

"Marami pang mangyayaring patayan sa CAMANAVA tiyak gustong patahimikin ng mga gago ang mga testigo para huwag kumanta," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kaya nga naghagis ng grasya, este mali, granada pala ang mga kosa ng mga killers para magsilbing warning na sila ang isusunod sa lamay," naiinis na sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Ano ang magandang gawin?" tanong ng kuwagong sepulturero.

"Dapat matinding trabaho ang kailangan para mahuli ang mga salarin," sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

"Ang ibig mo bang sabihin, ’wag muna sila mag-concentrate sa jueteng."

"Korek ka diyan, mag-focus sila sa real killers."

"Tama ba Aging?"

"Kamote, abangan natin!"

ALBERTO ORSOLINO

BARANGAY PINTOY

CAMP FLORENDO PARIAN

CHARLES GALARCE

IKA

KAYA

LA UNION

MAICO REYNALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with