^

PSN Opinyon

Kilabot na Tow services sa Batangas, nasa listahan na kayo ng BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
Isang e-mail ang pinadala ng isang concern citizen mula sa Lipa Batangas hingil sa mga kilabot na tow company.

Marami nang reklamo ang nakaabot sa BITAG pagdating sa mga tow company sa kamaynilaan, pero ka-kaiba ang reklamong ito.

Hindi lamang mga tulisan sa lansangan mga kilabot pa ang mga sigang tauhan ng tow service sa Batangas.

Kaya’t ibibigay ng BITAG ang espasyong ito para sa reklamong ito, dahil nagsisimula nang gumala ang mga mata ng aming surveillance.

Babala namin sa inyo, nasa surveillance list na kayo ng BITAG.

Dahil oras na hindi kayo tumigil sa inyong malatulisang estilo, babalatan namin ang inyong katarantaduhan.

Dear Mr. Ben Tulfo,


Magandang araw po, ako po ay concern citizen na taga Lipa, Batangas. Gusto ko po sanang ipa-imbestigahan o isumbong ang mga nag re-wrecker sa Lipa City Batangas.

Ang mga tauhan ng wrecker team dito ay tino-tow nila ang mga sasakyan na kahit may driver o umaandar ang makina basta mapagtripan nila, me isang bus na nag-unload ng pasahero na medyo alangan ang tigil ay ni-wrecker ng mga bata ng kanilang bossing na si Buddy Briones.

Tinow nila ito kahit may mga pasahero! May isang pangyayari ng me tricycle na ni-wrecker kahit me sakay na bata, at ung driver ay nabili lang ng pagkain ng bata, habang hinahatak daw ang tricycle ay halos mamatay sa kakaiyak ang bata sa takot at sa gutom,

May isa pa pong hinatak na kotse na naka handbrake at nung ni-wrecker ay halos maupod ang goma ng kotse dahil nga sa naka handbrake at kumikiskis ito sa semento dahil hindi naikot ang gulong, "MGA KARGADO DAW HO NG BARIL ANG MGA NAGRE-WRECKER KAYA WALANG MAKAPALAG SA MGA ITO", mga tirador daw ho sa Batangas ang mga tauhan ng wrecker na ito.

Ang tubos daw po sa tricycle ay P1,800 sa jeep ay P2,500. Parang awa niyo na paki
BITAG po ninyo at nakakaawa po ang mga biktima.

Salamat po nang marami.

vuukle comment

BABALA

BATANGAS

BUDDY BRIONES

DAHIL

LIPA BATANGAS

LIPA CITY BATANGAS

MR. BEN TULFO

WRECKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with