Lumiliit ang pandesal, lumalaki ang gastos
October 15, 2006 | 12:00am
NAGPASYA kailan lang ang samahan ng mga bakery sa Pilipinas na babaan ng 12.5 percent ang timbang ng pandesal, mula sa 40 gramos, ginawa na nilang 35 gramos. Ayon kay dating Senador Ernesto Herrera na ngayon ay Secretary General ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ito ay isang signos ng paglala ng kahirapan ng buhay. Dagdag pa niya na ito ay isa ring signos na hindi na nakukuha ng mga mamamayan ang wastong halaga ng kanilang salapi. Maaalala na noong taong 2003, sinabi ng Malacañang na dapat 25 gramos ang pandesal, ngunit dahil sa ginawa ng mga panadero ngayon, maaring bumaba na ang timbang sa 17.5 gramos.
Pansinin po ninyo na ang binabaan lamang ay ang timbang, at hindi ang presyo ng pandesal. Sa madaling sabi, ang presyo ng maliit na pandesal (25 gramos dapat) ay piso pa rin (dapat) at ang presyo ng malaking pandesal (50 gramos dapat) ay dalawang piso pa rin (dapat). Kahit pareho pa rin ang presyo (dapat), talaga namang lalaki pa rin ang gastos ng mga tao, dahil kailangan na nilang bumili ng dagdag na tinapay upang mabusog sila katulad ng dati, base sa kanilang konsumo.
Malungkot man sabihin, 100 percent ng arina na ginagawang tinapay ay imported, bagamat may mga "reformulated" na arina na ginagawang mas mura kahit imported pa rin ang sangkap. Dahil sa kahirapan sa buhay, problema na ang mataas na halaga ng bilihin ngunit lalo pang hihirap ang buhay kung lalo pang tataas ang mga bilihin.
Sa tingin ko, ang isang sanhi ng pagtaas ng presyo ng arina ay ang corruption sa importation nito, at kasama na rin diyan ang smuggling. Kahit wala nang magagawa ang gobyerno sa presyo ng pag-angkat, may magagawa pa ang gobyerno sa pagsugpo ng corruption, at ito ang dapat nilang tutukan. May pag-asa pa kayang kumilos ang gobyerno upang matigil ang corruption at smuggling?
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. Email [email protected], text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Fathers Coffee.
Pansinin po ninyo na ang binabaan lamang ay ang timbang, at hindi ang presyo ng pandesal. Sa madaling sabi, ang presyo ng maliit na pandesal (25 gramos dapat) ay piso pa rin (dapat) at ang presyo ng malaking pandesal (50 gramos dapat) ay dalawang piso pa rin (dapat). Kahit pareho pa rin ang presyo (dapat), talaga namang lalaki pa rin ang gastos ng mga tao, dahil kailangan na nilang bumili ng dagdag na tinapay upang mabusog sila katulad ng dati, base sa kanilang konsumo.
Malungkot man sabihin, 100 percent ng arina na ginagawang tinapay ay imported, bagamat may mga "reformulated" na arina na ginagawang mas mura kahit imported pa rin ang sangkap. Dahil sa kahirapan sa buhay, problema na ang mataas na halaga ng bilihin ngunit lalo pang hihirap ang buhay kung lalo pang tataas ang mga bilihin.
Sa tingin ko, ang isang sanhi ng pagtaas ng presyo ng arina ay ang corruption sa importation nito, at kasama na rin diyan ang smuggling. Kahit wala nang magagawa ang gobyerno sa presyo ng pag-angkat, may magagawa pa ang gobyerno sa pagsugpo ng corruption, at ito ang dapat nilang tutukan. May pag-asa pa kayang kumilos ang gobyerno upang matigil ang corruption at smuggling?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended