^

PSN Opinyon

Hindi ubra ang kudeta sa Pilipinas

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NANG magkaroon ng kudeta sa Thailand noong nakaraang linggo, kumalat kaagad ang balitang magkukudeta na rin sa Pilipinas. Inantabayanan ang pagpapatalsik kay President Gloria Macapagal Arroyo gaya nang ginawa ng Thai military kay Thaksin Shinawatra. Si Thaksin ay dumadalo sa UN General Assembly sa New York nang ikudeta.

Madaling isipin na kung nagkaroon ng kudeta sa Thailand bakit hindi sa Pilipinas. Halos pareho rin naman ang sitwasyon sa Thailand at Pilipinas. Ang mga lider ng dalawang bansa ay kapwa niyayanig ng mga negatibong alegasyon at mga eskandalong lalong nagpapasama sa kalagayan ng kani-kanilang mga bansa.

Subalit sa kasalukuyan, magkaibang-magkaiba ang relasyon ng military sa kani-kanilang commander-in-chief. Kung sa Thailand ay mahina ang hawak ni Thaksin sa military, masasabing kontrolado naman ni GMA ang kasandaluhan at pulisya. Totoo ang kasabihang nakuha ni GMA ang kiliti ng mga heneral. Di nga ba isa na sa mga "spoiled brats" ang military sa Pilipinas. Saganang-sagana sila sa grasya kung ikukumpara sa ibang empleyado ng gobyerno.

Isa pa, sanay na sanay na ang mga Thai sa kudeta at martial law. Sa Pilipinas, ni minsan ay hindi nagtagumpay ang kudeta. Noong panahon ni dating President Cory Aquino ay palpak ang mga kudeta. Ngayong panahon ni GMA ay may nababalitang magkukudeta pero puro satsat lang pala.

Ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi magkaka-kudeta ngayon sa Pilipinas ay sapagkat ang mga Pinoy ay sawang-sawa na sa kaguluhan. Ang pinapangarap na lamang ng mga ito ay magkaroon ng matahimik na kabuhayan na makakain lamang sa tamang oras. Sa tingin ko, unti-unti na ngayong nagkakaroon ng pag-asa ang mga Pinoy kaya hindi na masyadong binabatikos si GMA hindi katulad noong mga nakaraang panahon.

GENERAL ASSEMBLY

NEW YORK

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT CORY AQUINO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

SA PILIPINAS

SI THAKSIN

THAKSIN SHINAWATRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with