^

PSN Opinyon

Paglustay sa pondo ng probinsya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Danny ay supply officer ng Provincial Engineer’s office ng kanilang probinsya. Noong January 14, 1988, natanggap ni Danny ang P18,000 na pambili ng mga gamit para sa isang proyekto na nakasaad sa disbursement voucher na pinirmahan niya.

Nakatanggap si Danny ng dalawang sulat mula sa Provincial Treasurer upang isumite ang kuwenta ng P18,000 na cash advance. Binigyan si Danny hanggang May 31, 1999 upang magawa ito subalit napag-alaman na mula pa May 1, 1998 ay hindi na pumasok si Danny. Kaya noong November 1998 ay pinadalhan ng gobernador si Danny ng memorandum na nagsasabing tapos na ang kanyang empleo dahil sa pag-abandona niya sa trabaho. Bukod dito, kailangan din ni Danny na ipapalit ang kanyang mga vacation at sick leave credits upang itumbas ito sa hindi pa nakukuwentang cash advance.

Umabot na ng August 1990, hindi pa rin nabayaran ni Danny ang cash advance kaya napilitan nang ipaalam ng Provincial Treasurer ang isyung ito sa piskal ng COA. Lumipas pa ang pitong taon bago naisumite ni Danny ang kuwenta ng nasabing cash advance. Iginiit niyang nakapagbigay na rin siya ng P11,000 bilang paunang bayad subalit nawala ang resibo nito. Samantala, ang balanseng P7,000 ay hindi na raw niya ibinalik dahil na rin sa memo ng gobernador tungkol sa pagtutumbas ng kanyang benepisyo sa cash advance. Gayunpaman, naging hatol ng Sandiganbayan kay Danny ang malversation of public funds na may 10 taon at 1 araw (minimum) hanggang 14 taon, 8 buwan at 1 araw (maximum) na pag-kakabilanggo at multang P18,000. Tama ba ang hatol ng Sandiganbayan?

TAMA.
Ang tuwirang ebidensya ng paglustay ng pondo ni Danny ay hindi na kailangan. Sapat na ang kawalan ng paliwanag ni Danny sa nagkulang na pondo, matapos hilingin ito sa kanya. Ipinapalagay ng batas na nilustay niya ang pondo ng kanilang probinsiya sa pampersonal na interes. Ang palagay na ito ay dapat sana niyang napasinungalingan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na ebidensya.

Sa kasong paglustay ng pondo ng gobyerno, kapag nabayaran o naisoli ang halagang nilustay, mapapawalang-sala ang sibil na pananagutan at hindi ang kriminal na pananagutan. Ang pagbabayad ng halagang nilustay ay maituturing na sirkumstansi-yang nagpapagaan, katumbas ng boluntaryong pagsuko. Subalit hindi ito maaaplay kay Danny dahil inabot siya ng pitong taon bago niya naibalik ang halaga (Davalos, Sr. vs. People, G.R. 145229, April 24, 2006).

BINIGYAN

BUKOD

DANNY

DAVALOS

GAYUNPAMAN

NOONG JANUARY

PROVINCIAL ENGINEER

PROVINCIAL TREASURER

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with