^

PSN Opinyon

Titila rin ang bagyo ng paninira

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Mukhang humihina na ang mga alegasyon laban kay dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos lumitaw ang mga salaysay na bumabawi at sumasalungat sa mga naunang paratang.

Sa 25-pahinang Supplemental Counter-Affidavit na inihain ni Romualdez, sinabi ng kanyang depensa na binawi ng ilang umano’y saksi ang kanilang mga naunang pahayag. Kalakip din nito ang 25 sworn statements ng mga dating driver, rider, security aide at support personnel ni dating Rep. Zaldy Co na nagsabing wala silang personal na kaalaman o partisipasyon sa sinasabing cash deliveries.

Kabilang na nga dito si dating Marine Orly Guteza na bumawi sa kanyang naunang salaysay at sinabing wala siyang personal na kaalaman sa umano’y mga delivery, direktang pakikipag-ugnayan kay Romualdez o pagkikita sa sinasabing address.

Nagbanggit din si Guteza ng mga alegasyon laban kina dating Rep. Mike Defensor at Sen. Rodante Marcoleta. Gayunman, hindi pa napatutunayan ang mga ito at dapat mabigyan ng pagkakataong sumagot ang mga naturang personalidad.

Itinuro rin ng depensa ang umano’y kawalan ng direktang ebidensiyang pinansyal laban kay Romualdez.

Pero sa filing, wala umanong kontratista o opisyal ng DPWH na nagsabing humingi o tumanggap siya ng kickback, gayundin ng financial record na nag-uugnay sa kanya sa ilegal na pera.

Samantala, sinabi ng Ombudsman na mayroon pa itong 28 testigong may direkta at mahalagang impormasyon sa kaso. Iginiit din ng Ombudsman na hindi nakasalalay ang imbestigasyon sa isa o ilang testigo lamang.

Sa huli, hindi dami ng paratang ang dapat maging sukatan­. Ang buong rekord, kredibilidad ng mga saksi at tibay ng ebi­densiya ang dapat manaig sa pag-alam kung may pananagutan si Romualdez.

MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with