Reaction from Canada sa mayoralty plan ni Imelda
September 9, 2006 | 12:00am
ISANG email ang aking tinanggap mula sa aking kaibigan at dating kasamahan sa Voice of the Philippines way back the "Great Makoy" years. Siya si Joaquin "Jojo" Taduran na ngayoy namimirmihan na sa Canada kasama ng iba pa nating kabaro sa propesyon ng pamamahayag tulad ng dating editor-in-chief ng Pilipino Star NGAYON na si Antonio Sicat, Butch Galicia at Ruben Cusipag to name a few. Si Jojo ay nagsilbing anchor ng radio version ng programang Pulong-pulong sa Kaunlaran na napanood din sa telebisyon noong dekada 70.
Modesty aside, ang grupo namin noon ang nag-pioneer sa mga public service program na sa pamamagitan ng ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan ay direktang nakatutulong sa mga mamamayang nangangailangan. Gone were the days, alas! Wala kaming kakompitensya. Kasi bawal ang talks shows sa ibang himpilan ng radyo nung unang mga taon ng martial law, he-he-he. Anyway, napaghahalata yata ang ating edad.
Maagap na nag-react si Jojo sa ating nakaraang kolum tungkol sa planong pagkandidato ni dating First Lady Imelda Marcos bilang Mayor ng Metro Manila. Nasabi ko na bagaman at bilib ako kay Mrs. Marcos because she is an action person at di matatawaran ang mga accomplishment niya bilang Unang Ginang ng bansa, mas mabuting magretiro na lang siya because she might not withstand the bloody rigors of politics at her age. Alam nyo na: political demolitions, mudslinging at kung anu-anong pangit na isyu na ibabato sa iyo. Iba naman ang pananaw ni Jojo na isa rin sa mga nakakakilala ng personal sa kakayahan ni Mrs. Marcos. Nais ko itong bigyang daan:
Dear Al,
Mabuti naman at tinalakay mo ang pagpa- hayag ni Congresswoman Imee R. Marcos na ang kanyang butihing ina ay may planong kumandidato bilang Mayor ng lunsod nang Maynila. Ito ay isang pangitain na walang bata o matanda sa larangan nang paninilbihan sa bayan.
Hindi dapat ilagay sa isang tabi ang kakayahan ni Mrs. Marcos kahit na siya 77 years old na. Napakarami nang mga namumuno sa buong mundo na masasabi nating "Seniors" subalit napakanda nang kanilang pamamalakad sa kanilang bansa o lunsod.
Ibibigay kong halimbawa si Mayor Hazel Mcallion nang Missaussaga. Ang kanyang edad ay sobra nang 80 taong gulang subalit napanda niya ang kanyang lugar at malayo ang Toronto sa kanyang lunsod.
Huwag nating bale-walain ang kakayahan nang mga seniors sa pamamagitan nang ser- bisyo publiko. Kaibigan natin si Vice Mayor Danilo Lacuna subalit nagkamali siya sa kanyang pananaw.
Magaling na Administrator si Mrs. Marcos. Masasabi ko na magiging magaling at mabuti siyang Alkalde o Punong lunsod nang Maynila.
Maraming Salamat.
Ang gumagalang sa mga "Seniors",
Jojo Taduran

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended