^

PSN Opinyon

Imeldific for Manila Mayor?

- Al G. Pedroche -
MARAHIL marami ang napataas ang kilay sa balitang planong kumandidato sa pagka Manila Mayor ni ex-first lady Imelda Romualdez Marcos. Mismong ang anak niyang si Rep. Imee Marcos ang naghayag nito. React agad ang mayoralty aspirant ng Maynila na si ViceMayor Danny Lacuna. Masyado na raw gurang si Imelda para mag-ambisyong maging Mayor kaya hindi siya nababahala sa pagsabak nito sa karera.

Talagang nangangamoy pulitika na with only a few months left bago ang eleksyon sa papasok na taon. Iyan nama’y kung matutuloy ang halalan, he-he-he. Hangga ngayon kasi’y di natin malaman kung ano ang kahihinatnan ng isinusulong na Cha-cha. Kapag umariba ito, malamang kanselado ang eleksyon.

Pero granting na matuloy and eleksyon, in fairness, magaling siyang administrador. Agresibo. Kahit first lady pa lang siya ni President Marcos noon at di pa naitatalagang Metro Manila Governor, hindi matata-waran ang naipatayo niyang mga proyekto gaya ng Philippine Heart Center for Asia, Philippine Lung Center, Cultural Center of the Philippines at marami pang iba. Ngunit para sa akin, mas makabubuting magretiro na nga siya sa politika.

Totoong kayang-kaya niyang pagandahin ang May-nila kapag siya’y naluklok na alkalde bagamat di rin natin matatawaran ang nagawang improvement sa lungsod ni Mayor Lito Atienza. Nung Marcos era, napakaganda ng Luneta o Rizal Park. Malinis at kahit ang simento ay puwedeng higan. Wala kang makikitang nagtatapon ni balat ng kendi. Walang tigil ang mga Metro Aides sa pagwawalis, araw at gabi.

Pero kung hihingin ni Mrs, Marcos ang aking opinyon, mas makabubuting tuluyan na siyang magre-retiro sa maruming politika. Masaklap ang nangyaring pagpapatalsik sa kanyang asa- wang si yumaong Presidente Marcos. Nawalan ng ningning ang bawat magandang achieve- ment ng administrasyon. Ang buong pamilya Marcos ay mistulang mga ketongin na puwersahang pinalayas hindi lamang sa Malacañang kundi sa Pilipinas.

Hindi natin sinasabing walang dapat panagutan ang diktador. Marami ring pang-aabuso ang rehimen at may malaking sektor ng lipunan ang nasaling at nasaktan. Marahil gustong makabawi ni Mrs. Marcos kaya ibig tumakbo kahit man lang Mayor. Naging Congresswoman na siya. Tumakbo rin sa pagka-Pangulo pero nagparaya para kay Joseph Estrada.

Para ko nang nakikinita, kapag humirit pa siya sa politika, muling lulutang ang mga dating ugly issues laban sa kanya. Sa edad niya ngayong mahigit nang 70, hindi na bagay buhayin pa ang mga naitsismis na eskandalo tungkol sa kanya nung araw.

Ipaubaya na lang niya sa kanyang mga anak ang politika at manahimik na lang siya and enjoy the remaining years of her life.

Email me at [email protected]

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DANNY LACUNA

IMEE MARCOS

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

JOSEPH ESTRADA

MANILA MAYOR

MARCOS

MAYOR LITO ATIENZA

METRO AIDES

METRO MANILA GOVERNOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with