^

PSN Opinyon

Sagipin ang integridad ng Pinoy nurses

- AKSYON NGAYON Ni Al G. Peroche -
MAY kasabihang "ang sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan." Iyan ang situwasyon ngayon sa buong nursing profession sa Pilipinas. Nagkaroon ng dayaan sa nakalipas na licensure exam na napabalita sa buong daigdig. Ngayon, ang United Kingdom daw na dating nagbibigay ng prayoridad sa pag-empleyo ng mga Pinoy nurses ay nag-aagam-agam nang mag-recruit ng mga Pinoy nurse, lalu na yung mga nakapasa sa taong ito. Nandaya man o hindi, lahat damay.

Mas liberal ang pananaw ng United States. Tutal naman daw, ang mga nurses ay kukuha pa ng state board sa Amerika bago tuluyang kunin kaya no problem. Retake lang talaga ang paraan para mabura ang batik sa ating mga nurses.

Pero nagsalita na si Presidente Arroyo sa panuka- lang pakuhanin muli ng licensure exam ang mga ba-gong nurse dahil sa diumano’y pandaraya sa nakara-ang eksaminasyon. Para sa akin, ang pagkakaroon muli ng pagsusulit ang tanging makabubura sa masamang impresyong nilikha sa ating mga narses ng kontrobersyal na licensure exam.

Kung palalampasin na lang ang nangyari, pati yung mga magagaling na narses na nakapasa nang malinis dahil nagsunog ng kilay sa pagre-review ay malalambungan sa "ulap ng pagdududa" lalo na sa pani-ngin ng mga dayuhang employers. This may sound unfair but I think some degree of sacrifice must be taken. Katunayan, may mga nakapasa na payag sumailalim muli sa pagsusulit. May tiwala sila sa kanilang sarili. Iyan ang tamang attitude na sinasaluduhan natin.

Pati ang pagsibak sa mga matataas na opisyal ng Professional Regulations Commission (PRC) ay tinanggihan ng Pangulo. Ayaw daw niyang maparusahan ang mga inosente o walang sala. Dawit o hindi, may tinatawag tayong command responsibility. Kung nalusutan man ang pinuno ng PRC sa pagkakaroon ng leakage ng kinukuwestyong eksaminasyon, ito’y repleksyon ng depektibong pamumuno.

Seryoso ang problema at kung walang gagawing totohanang aksyon, masasakripisyo ang integridad hindi lamang ng mga narses kundi maging ng ibang propesyu- nal na nakapapasa sa mga board exams gaya ng mga abogado, doktor, enhinyero at iba pa.

Malamang, lalait-laitin tayo ng ibang bansa. Baka duma- ting ang araw na ang salitang Pilipino ay maging singkahulugan ng "madaya."

Email me at: [email protected].

vuukle comment

AMERIKA

AYAW

DAWIT

IYAN

PINOY

PRESIDENTE ARROYO

PROFESSIONAL REGULATIONS COMMISSION

UNITED KINGDOM

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with