^

PSN Opinyon

Laruang de-susi ni Atienza si Abarsoza?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SANGKATUTAK na pogi points ang kailangan ni MPD OIC Sr. Danilo Abarsoza para gawin siyang permanente sa puwesto ni Mayor Joselito Atienza kaya’t ipinasara niya noong Martes ang bookies ng karera sa Maynila. Marami ang natuwa sa ginawa ni Abarsoza, kabilang na rito si Atienza, pero marami rin ang nagalit at nagutom lalo na sa hanay ng pulisya. Kasi sa ngayon, kuntento na si Atienza sa trabahong ginagawa ni Abarsoza pero hindi pa niya sinisiguro na ito na ang napipisil niya para pamunuan ang MPD nga. Kaya sa sobrang daming patutsada ni Atienza, parang tando-tando naman kung kumilos si Abarsoza para lang mapasaya ang mayor niya. ‘Ika nga kulang na lang gawing laruan ni Atienza si Abarsoza.

Ang puna ng marami kasi, di susi ni Atienza si Abarsoza. Pero ang usap-usapan sa ngayon sa MPD, may hinahatian ng lingguhang intelihensiya si Abarsoza. Bahala na kayo mga suki na kilalanin kung sino siya. Ang clue? Mukha siyang pera na gusto patuloy ang tulo ng gripo niya kahit laos na siya. Kaya tiyak lumiit na rin ang grasya na pumapasok sa kaban ni Abarsoza dahil sa pagsara ng bookies ng karera. At hanggang kailan siya magtitiis?

Maaaring pogi sa ngayon si Abarsoza sa paningin ni Atienza pero sa mga superiors niya sa PNP, kabaligtaran tiyak ang nadarama sa kanya. Hindi naman kaila mga suki na nakikinabang din ang ilang unit ng pulisya tulad ng taga-DILG, CIDG, NCRPO, GAB, at iba pa sa mga pasugalan diyan sa Maynila. Isama ko na ang City Hall detachment ni Atienza. Bunga sa pagsara ng bookies ng karera, napahiya rin si Mandaluyong City Rep. Benhur Abalos dahil niya niya nakayanang ipasara ang mga bookies noong kasagsagan ng kampanya niya noong nakalipas na mga buwan. Si Abarsoza lang pala ang kasagutan sa problema ni Abalos at hindi ang NBI. Kaya sa ngayon, sa MPD nakamasid ang mga nagugutom na unit ng pulisya, he-he-he! Hero ba o goat itong si Abarsoza? Sa susunod na mga araw may kasagutan mga suki.

Ang teorya naman ng ibang nakausap kong taga-MPD kaya ipinasara ni Abarsoza ang pasugalan sa sakop niya dahil sa takot sa ‘‘1-3-2’’ stike policy ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Nagpalabas kasi ng warning si Calderon na sisibakin niya sa puwesto ang sinumang opisyal ng PNP na hindi kumikilos laban sa pasugalan nga. Alam naman ni Abarsoza na hindi palo sa kanya ang mga superiors niya sa Camp Crame kaya’t ipinasara na niya ang mga pasugalan sa takot na abutin siya ng indulto at goodbye na lang sa pangarap niya na maging MPD director. Ang sabi naman ng ibang kausap ko sa MPD, nag-iingat lang si Abarsoza at baka abutin din siya sa kampanya ni Calderon laban sa mga ‘‘ko-tong cops’’. Minamatyagan kasi sila ng kapitba- hay nilang taga-CIDG, anila, he-he-he! Mukhang takot sa anino nila itong mga taga-MPD sa ngayon.

Dapat lang sigurong mamili na si Atienza kung sino talaga ang gusto niyang maging MPD director at hindi ’yaong pinapatagal pa niya. Kung si Abarsoza, di siya na. Kasi habang binibilang ang mga araw, kung anu-anong kuru-kuro ang lumalabas at pati si Atienza ay nadadamay na. Malakas ang ugong kasi na kaya dini-delay ni Atienza ang pagpili ng MPD chief ay bunga sa hinihingi niya sa Palasyo na isama siya sa senatorial ticket ng administration sa darating na election. Kayong mga pulitiko talaga! Abangan!

ABARSOZA

ATIENZA

BENHUR ABALOS

CAMP CRAME

CITY HALL

KASI

KAYA

MPD

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with