Mga sanggol bagong paraan ng pagkakakitaan
August 16, 2006 | 12:00am
HINDI na bago sa ating lipunan sa ngayon ang mga nagkalat na nanglilimos sa kung saan-saan, bata man o matanda na may kapansanan.
Subalit isang estilo ang natuklasan ng BITAG mula sa ilang concerned citizen na nagmagandang loob na nabahala sa mga kalagayan ng sanggol na ginagamit para manglimos sa mga hagdanan ng Metro Rail Transit (MRT).
Bitbit ang mga naturang sanggol na walang malay sa kalokohan na hindi man lang isinaalang-alang ang panganib na maaaring maidulot ng kanilang kapritsuhan.
Nakalulungkot isiping mga sanggol na walang malay ang pinagkakakitaan ng mga kolokoy na sindikatong ito, kung may mga magulang man ito maituturing na walang mga konsensiya.
Ipinahihiram ang kanilang anak kapalit ng perang renta sa pagpapagamit ng kanilang sariling anak, walang pakialam kung ano ang sapitin na karamdaman dala ng usok at kung anu-ano pang maaaring magdala ng sakit sa mga kawawang sanggol.
Wala mang magawa ang mga ahensiya ng pamahalaan na dapat mangalaga sa mga ganitong sitwasyon o pangyayari, hindi pa rin tumitigil ang BITAG para gisingin ang mga ahensiyang ito sa kanilang pagkakatulog.
Ilang beses ng sinubukang isurveillance ng BITAG ang modus ng mga sindikatong gumagamit ng mga sanggol subalit maingat ang grupong ito.
Babala ng BITAG sa mga magulang na puma- payag na ipahiram ang kanilang mga sanggol para pagkakitaan at sa sindikato, mananatiling nakatutok ang BITAG sa inyo dahil kabilang na kayo sa surveillance list ng BITAG.
Kaya itigil nyo ang iyong masamang gawain dahil kapag kayo ay nahulog sa patibong ng BITAG, sisiguruhin naming haharap kayo sa ibat ibang kaso at kahihiyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am