^

PSN Opinyon

Kailan magwawakas ang krisis sa enerhiya

- Al G. Pedroche -
ANG gusot sa Middle East ay naglulubha. Dahil diyan, di mapigilan ang pagtaas sa halaga ng petrolyo. Patuloy nagre-research ang Department of Energy (DOE). Humahanap ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Ang target. makalaya ang bansa sa pagkakatali sa langis nang kahit 60 percent lang sa taong 2010.

Plano ng DOE na gamitan ng natural gas ang mga ireretirong planta ng kuryente na gumagamit ng krudong langis. Dalawang oil-based power plants na may kapasidad na 860 MW ang ireretiro sa 2009 at 2010. Magandang panimula iyan.

Puntirya ng DOE ang paggamit ng natural gas supply sa dagdag na 300 hanggang 500 MW sa Luzon grid. Mahalaga iyan sa mga panahong posibleng kulangin ng supply ng kuryente. Ang Luzon grid ay tinatayang mangangailangan ng 1,990 MW sa darating na mga taon. Magandang oportunidad ito sa mga investors. Naniniwala ang DOE na daragsa ang mga foreign investors sa programa.

Kasama sa mga naghayag ng interes dito ang Toyo Engineering Corp. (TEC), isang malaking korporasyon sa Japan na may kinalaman sa engineering service for petroleum, natural gas, petrochemical oil refineries. Handa diumano itong magbuhos ng hanggang P60 bilyon. Big deal.

Akma ang prospect na ito sa Alternative Fuels Program ni Energy Sec. Raphael Lotilla para gamitin sa paggawa ng petrolyo ang mga sangkap na sagana ang bansa.Tinatayang may 900,000 kada taon ang pangangailangan ng mga local government agencies ang inatasang gumamit ng CME o bio-fuels sa kanilang sasakyang diesel sa bisa ng memorandum order na ipinalabas noon pang 2004.

Kaya inaabangan natin (at sana’y maisabatas na) ang Biofuels Act ng Senado na nagtatakda ng paggamit ng 1 porsyentong CME para mabawasan ang inaangkat nating krudong langis. Kung ang mga mauunlad na bansa gaya ng Amerika ay gumagamit ng ganitong uri ng petrolyo, bakit tayo hindi pa? Ang Brazil ay nangunguna ngayon sa produksyon ng bio-ethanol at ang petrolyo sa bansang ito’y hanggang 25 porsyento ang halong ethanol.

Kung magiging independent ang Pilipinas sa inaangkat na langis, taumbayan ang giginhawa. Lulusog ang ekonomiya at hindi tayo makukuba sa maya’t-mayang pagtaas sa presyo ng petrolyo. Kaya ipanalangin natin ang siyento-porsyentong tagumpay ng DOE sa programa nitong tumuklas ng alternatibo sa krudong langis.

Email me: [email protected]

ALTERNATIVE FUELS PROGRAM

ANG BRAZIL

ANG LUZON

BIOFUELS ACT

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SEC

KAYA

MAGANDANG

MIDDLE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with