Hindi matinag ang jueteng sa Albay at Isabela dahil kay Ely Fontanilla
July 30, 2006 | 12:00am
SINO itong si alyas Barabas? May nakarating kasing balita sa akin mga suki na si Barabas ang nasa likod nang malawakang jueteng ni Tony Ong sa Albay. Kung wala raw ang basbas ni Barabas, hindi uusbong na muli ang jueteng ni Tony Ong sa Albay, kung saan namumugad din si jueteng whistleblower Wilfredo Boy Mayor, na tahimik na sa ngayon dahil sa royalty niya sa naturang sugal. Kaya hindi ako magtataka kung bakit pati si Albay Gov. Gonzales ay hindi makakilos laban sa jueteng ni Tony Ong dahil sa impluwensiya ni Barabas. Kaya sigugo nag-aalboroto ang bulkang Mayon ay para parusahan si Gov. Gonzales at Barabas bunga sa naglilipana na naman ang jueteng sa naturang probinsiya? He-he-he! Siguro tuwang-tuwa sa ngayon si Tony Ong sa biglang pagdami ng turista sa Albay bunga sa malapit na pagsabog ng bulkang Mayon para dumami rin ang tataya sa jueteng niya, di ba mga suki
Kaya pala hindi matinag-tinag ang jueteng ni Tony Ong sa Albay at sa probinsiya ni Isabela Gov. Grace Padaca eh dahil kay Ely Fontanilla, ang over-all collector ni CIDG chief Dir. Jesus Versoza sa jueteng. Si Fontanilla pala ang inutusan ni Versoza para magkaroon siya ng lingguhang intelihensiya sa mga jueteng lords kayat hayan wala na silang kaba na mahuli ang operation nila. May balitang kumakalat na tinanggihan ni Versoza ang NCRPO dahil hindi niya kayang talikuran ang milyon na iniakyat sa kanya ni Fontanilla galing sa mga jueteng lords. May report noon na ang CIDG din ang bagman ng PNP chief sa jueteng. Ganun na rin kaya ang kalakaran sa liderato ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon? Si Fontanilla rin kaya ang bagman ni Calderon?
Para mabura sa isipan ng sambayanan na patong sina Calderon at Versoza sa patuloy na pamamayagpag ng jueteng sa bansa, aba kailangang magpakita sila ng gilas tulad ng pagsagawa nang malawakang raid sa mga puwesto ni Tony Ong sa Isabela at Albay. Isama na nila ang jueteng nina Charing Magbuhos sa Quezon, Peping Bildan sa Zambales, Bebot Roxas sa Tarlac, Leony Lim sa Sorsogon, Bong Villafuerte sa Camarines Sur, Tony Carpio sa Camarines Norte, Boy Bata sa Pangasinan at Luding Bongaling sa Quirino.
Para mabigyan ko ng giya si Ely Fontanilla, ang draw ng winning combination ng jueteng ni Tony Ong sa Albay ay ginagawa sa isang compound ng malaking bahay na may karatulang Frens Ice Cream. Matatagpuan ito sa Bgy. Travesia sa bayan ni Guinobatan Mayor Juaning Garcia, na presidente ng mayors league sa Albay pero sugal ang pinagkakaabalahan niya. Kasama rin kaya sa galit ng bulkang Mayon si Mayor Garcia? Ang may-ari ng malaking bahay ay kamag-anak ng Cebu mayor at ang caretaker ay si Cecilio Garcia. Get mo, Ely Fontanilla Sir?
Ayon naman sa kausap ko sa Albay, ang nasa likod ng jueteng sa Polangui ay ang isang Rey Salceda. May sariling bola naman si Barabas sa mga bayan ng Camalig, Daraga, Tabaco, Malinao, Bacacay, Sto. Domingo, Malilipot, at Legazpi City. Kaya kaon sa ngayon itong si Barabas. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended