^

PSN Opinyon

Hindi raw tutulungan si Jocjoc Bolante?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI ako nagulat nang nabalitang nawawala na raw si dating Agriculture Jocjoc Bolante. Inaresto ng mga US immigration officers at kinansela ang visa at saka ikinulong. Nabanggit din sa balita na humingi raw ng tulong si Jocjoc sa Malacañang pero tinanggihan daw tulungan dahil hindi na opisyal ng gobyerno.

Hindi ako naniniwala na tatanggihang tulungan ng Malacañang si Jocjoc. Kalokohan yan. Imposibleng pabayaan ng Malacañang si JocJoc. Matalik na kaibigan siya ni FG Mike Arroyo. Naniniwala ako na hindi maaaring basta pakawalan ng Malacañang si Jocjoc. Kailangan nila itong alalayan sapagkat baka magngangawaat "kumanta". Baka may mga taong masira.

Ang isang ikinatatakot ko, baka may isang sira ang ulo na gawan ng masama si Jocjoc upang huwag nang makapagkumpisal o makakanta. Marami nang nangyaring ganito.

Grabe ang kaso ni Jocjoc. Sangkot siya sa P728 milyong fertilizer fund na dapat sana ay napakinabangan ng ating mga mahihirap na magsasaka. Ginamit umano ang pondo sa pangangampanya sa eleksyon ni GMA noong 2004.

Mahalagang malaman ang katotohanan sa kasong ito ni Jocjoc. Mas magaling kung ibabalik siya rito sa bansa at nang maimbestigahan na ng Senado. Makatutulong ito para bumalik ang kredibilidad nina GMA.

AGRICULTURE JOCJOC BOLANTE

GINAMIT

GRABE

IMPOSIBLENG

INARESTO

JOCJOC

KAILANGAN

KALOKOHAN

MALACA

MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with