^

PSN Opinyon

Gringo, Bishop Tobias sinuplong ni San Juan

SAPOL - Jarius Bondoc -
"KUMANTA" si Magdalo Lt. Lawrence San Juan nang matauhan aniya sa sariling kataksilan sa Armed Forces of the Philippines. Kinumpirma niya sa affidavit ang pakikipagsabwatan nilang mga rebeldeng sundalo sa mga Komunista para pabagsakin ang gobyerno. Sinuplong din niya ang mga "elders" ng sabwatan, kabilang sina Gringo Honasan, Felix Turingan, Jake Malajacan at Raffy Galvez ng Reform the AFP Movement; mga abogadong contact sa Kaliwa Cristopher Belmonte at Ruel Pulido; at mga taga-suporta tulad nina Sen. Ping Lacson, Eki Cardenas na aide ni Joseph Estrada, at Catholic Bishop Antonio Tobias ng Novaliches. Nakipag-ugnay din siya kina RC Constantino at dating University of the Philippines president Dodong Nemenzo; kasama sana si kolumnista Randy David pero absent.

Madrama ang 13-pahina salaysay. Dinetalye ni San Juan kung paano siya ni-recruit ni Capt. Milo Maestrecampo at Ltsg. Antonio Trillanes para sa Oakwood Mutiny nu’ng July 2003. May ritwal pang itinuro si Gringo na pag-ukit ng alibatang "K" sa may kilikili at pagpirma ng dugo sa sumpa. Dinakip sila lahat nu’n, pero nakakalabas si San Juan sa maluwag na detention sa Fort Bonifacio para patuloy na makipagpulong kay Gringo.

Nang ililipat sila nu’ng Jan. 17 sa mahigpit na Army Intelligence and Security Group, mabilis kumilos si San Juan. Pinalabas ni Atty. Pulido sa media na in-incommunicado sila. Pero sa totoo nakatakas sina San Juan, at sinundo ni Atty. Belmonte sa Libis, Quezon City. Itinago muna siya nang tatlong araw sa isang kumbento, bago inilipat nang isang buwan sa bahay ni Bishop Tobias sa East Fairview, QC.

Ani Tobias sa broadcast interview, tatlong araw lang si San Juan sa bahay niya pero pinalayas nang dumating ang misis. Pero sinumpaang salaysay ang kay San Juan na doon sa Fairview house siya galing nu’ng Feb. 20 nang makipagpulong sa New People’s Army leaders sa Padre Burgos, Batangas, kung saan nadakip siya muli ng mga awtoridad.
* * *
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:45 p.m., sa IBC-13.

ANI TOBIAS

ANTONIO TRILLANES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY INTELLIGENCE AND SECURITY GROUP

BISHOP TOBIAS

CATHOLIC BISHOP ANTONIO TOBIAS

DODONG NEMENZO

EAST FAIRVIEW

EKI CARDENAS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with