^

PSN Opinyon

EDITORYAL — A nimo’y manok na pinapatay ang mga journalist at activist

-
IKALAWA sa mundo ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-mapanganib sa mga journalist. Una ang Iraq. Pero maliban sa mga journalist, sunud-sunod din ang ginagawang pagpatay sa mga aktibista at makakaliwang grupo. Baka nga nangunguna na ang Pilipinas at ikalawa lamang ang Iraq.

Maski ang Simbahan ay nagpahayag ng pagkabahala sa mga nangyayaring sunud-sunod na pagpatay sa mga journalist at mga aktibista. Sinabi ni Papal Nuncio Archbishop Fernando Filoni na ibinasura nga ang death penalty sa Pilipinas pero ang mga pagpatay ay patuloy. Ayon sa papal nuncio, "It will truly be a contradiction, if on one hand we practically abolished the death penalty and yet on the other hand we are not respecting or implementing the rights of the human race." Idinagdag pa niya na nakasisira sa magandang imahe nang pag-aalis ng death penalty sa mga nagaganap na pagpatay.

Noong Martes, isa na namang broadcast journalist ang pinatay. Pauwi na si Armando Pace galing sa radio station na pinagtatrabahuhan nang tambangan siya at pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo. Si Pace na madalas banatan sa ere ang mga corrupt at aroganteng public officials ay ika-45 miyembro ng media na pinatay mula nang maluklok sa puwesto si Mrs. Arroyo noong 2001 at ika-walo naman ngayong taong ito. Si Pace, 51, ay taga-Digos, Davao del Sur. Noong June 19, ang mag-asawang journalist na sina George at Maricel Vigo ay pinatay din sa Kidapawan City.

Habang patuloy ang pagpatay sa mga journalist, patuloy din naman ang pagpatay sa mga aktibista. Hindi pa nakikita hanggang sa kasalukuyan ang mga dinukot na estudyante ng University of the Philippines na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Nagre-research sa buhay ng mga mangingisda sa Hagonoy, Bulacan ang dalawang estudyante nang dukutin umano ng mga sundalo noong madaling-araw ng June 26.

May 170 leftwing activists ang pinatay mula nang maupo si Mrs. Arroyo.

Wala nang death penalty subalit kakatwa ang mga nangyayari na dumami ang mga napapatay na journalist at activists. Balewala ang pagkakabasura sa parusang kamatayan kung ganito naman kalala ang sitwasyon na kabi-kabila ang mga nangyayaring patayan. Tila binigyan lamang ng lisensiya ang mga mamamatay tao sapagkat wala nang alagad ng batas na kinatatakutan. Atasan ang Philippine National Police na magtrabaho nang husto para mapigilan ang mga pagpatay at mahuli naman ang mga kriminal.

ARMANDO PACE

JOURNALIST

KAREN EMPENO

KIDAPAWAN CITY

MARICEL VIGO

MRS. ARROYO

NANG

PILIPINAS

SI PACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with