EDITORYAL Idistansiya ang DepEd sa maruming pulitika
July 16, 2006 | 12:00am
AYAW ng mga taga-Department of Education (DepEd) kay bagong hirang na secretary Jesli Lapus sapagkat isa itong pulitiko. Mas gusto ng mga nakararami na si officer-in-charge Fe Hidalgo ang italagang secretary. Simple lamang ang dahilan hindi kasi pulitiko si Hidalgo.
Nang araw na ihayag ng Malacañang na si Lapus ang magiging DepEd secretary ay agad nagprotesta ang mga union members. Lantarang ipinakita ang pagtutol kay Lapus. Hindi raw sila titigil sa kanilang protesta. Pero tila wa-epek kay Lapus ang banta ng mga union members. Hindi siya apektado.
Si Lapus ang ikalawang kongresista na binunot ni President Arroyo para maging miyembro ng kanyang Cabinet. Ang una ay si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na kasalukuyang Budget secretary.
Ayaw ng mga taga-DepEd sa isang pulitiko dahil na rin marahil sa mga nangyari sa nakaraan kung saan dalawang pulitiko na ang naglingkod sa tanggapan. Ang una ay si namayapang senador Raul Roco at ang ikalawa at si Batanes Rep. Florencio Abad. Si Roco ay nagresign sa DepEd nang tumakbong Presidente noong 2004. Naiwang nakatiwangwang ang DepEd at pati kapakanan ng mga guro at quality ng edukasyon ay nasakripisyo.
Hinirang ni Mrs. Arroyo si Abad pero mas malala ang nangyari sapagkat nagrebelde at hiniling na magbitiw ang Presidente makaraang mabulgar ang "Hello Garci". Sumama si Abad sa siyam na Cabinet members at isinilang ang "Hyatt 10".
Hindi masisisi ang mga taga-DepEd kung harangan ang isa pang pulitiko para pamunuan ang tanggapan. Nagsasawa na sila sa pulitiko sapagkat nasasakripisyo ang kapakanan ng tanggapan. Pati ang kalidad ng edukasyon ay nasasadlak sa mababang antas dahil sa nalublob sa maruming pulitika.
Pero ang sabi ni Lapus, hindi niya gagamitin ang pulitika sa pagpapatakbo ng DepEd. Bibigyan umano niya ng pansin ang pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon. Nakaaalarma na raw ang pagbagsak ng mga mag-aaral sa mga achievement tests. Paiigtingin ang pag-aaral sa English, Science at Math kung saan mahihina ang mga estudyante sa kasalukuyan. May mga estudyanteng nagga-graduate sa high school na hindi marunong umintindi ng English.
Sana nga ay magkatotoo ang mga sinabi ni Lapus. Sana nga ay maging kakaiba siya sa mga naging DepEd secretary. Idistansiya niya ang DepEd sa mabahong pulitika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended