^

PSN Opinyon

Sagot ng Deputy Ombudsman

- Al G. Pedroche -
TUMANGGAP ako ng email mula kay Deputy Ombudsman Orlando Casimiro kaugnay ng naibalita natin sa Pilipino Star NGAYON at natalakay sa aking mga kolum sa PM (Pang-Masa) at pahayagang ito tungkol sa kasong katiwaliang isinampa laban sa kanya ni Atty. Gilbert Bueno. Alang-alang sa patas na pagbabalita, narito ang kabuuang sulat ni G. Casimiro.

 Ito ay tugon sa artikulong nalathala sa inyong pahayagan kahapon, (July 4), "Graft vs Ombudsman official, isinampa" na nagpapahiwatig ng umano ay talamak ang katiwalian sa Office of the Ombudsman – Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) na pinamumunuan ng nakalagda. Ang nasabing artikulo ay nagsasaad ng reklamong inihain ni Atty. Gilbert Bueno. Ang nasabi pong reklamo ay pag-uulit lamang ng reklamong kaniyang inihain noong Disyembre 23, 2005 sa tanggapan ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez.  Ito ay  inaaksyunan na ng Internal Affairs Board (IAB) ng Office of the Ombudsman.

 Ang mga alegasyong nilalaman sa reklamong nabanggit ay walang katotohanan, may malisya at makapagpapaligaw sa publiko.  Ang reklamong ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng sama ng loob at galit ni Bueno dahil hindi siya na-promote bilang Graft Investigation and Prosecution Officer III sa kabila ng kanyang mga personal na pakiusap, gayundin sa pagbabawal sa kanya na magtinda ng pagkain sa loob ng tanggapan.

Tungkol naman sa kasong "Fructuoso Villarin vs. SPO4 Francisco Torres, et. al," na may ‘docket number’ OMB-P-C-02-0688-G, ito ay inaksyunan ng nakalagda bilang Deputy Ombudsman for the MOLEO sa kahilingan ng respondent na si Francisco Torres (isang retiradong pulis), kaugnay ng Affidavit of Desistance na inihain ng nagreklamo pabor sa kanya.  Ito ay isang pangkaraniwang aksyon ng tanggapang ito sa mga gayong uri ng kahilingan. Sa usapin naman ng lifestyle check laban sa Deputy Ombudsman, dapat malaman ng lahat na bago pumasok sa serbisyo publiko, ang nakalagda ay may maalwan na buhay bilang isang pribadong abugado.  Ang kanyang mga anak ay sa mga pribadong paaralan na nag-aaral bago pa man siya nagsimulang magtrabaho sa Office of the Ombudsman.  Taliwas sa mga ipinahihiwatig ng nagrereklamo, ang pagsisikap at dedikasyon ng nakalagda sa loob ng dalawampu’t walong (28) taon ng kanyang buhay propesyunal bilang isang abugado ay nagbigay sa kanya ng kakayahan upang ipagkaloob ang mga pangunahing pangangailangan at komportableng pamumuhay sa kanyang pamilya.  Ang mga ito ay hindi bunga ng alinmang gawaing labag sa batas. Ang taunang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) isinusumite ng mga naglilingkod sa gobyerno ay magpapakita kung ang nakalagda ba o sinuman sa kanyang mga kamag-anak ay nagkamal ng di maipaliwanag na yaman o ari-arian.

Sa usapin naman ng nepotismo o pagkakaroon ng paborito, ang pagpili at pagkuha ng mga empleyado ay isang ‘transparent’ na proseso na naaayon sa mga umiiral na patakaran ng Civil Service Commission (CSC).  Ang mga empleyado’t kandidato ay binibigyan ng kaukulang ‘access’ sa mga tala ng mga sinusundang proseso. Ang nakalagda ay nagsimula sa mababang posisyon sa Office of the Ombudsman  bago nakarating sa kanyang kasalukuyang posisyon.  Nagsimula siya bilang Graft Investigation and Prosecution Officer, bago naitalaga bilang Director, Acting Assistant Ombudsman, Deputy Ombudman at sa kasalukuyan ay Deputy Ombudsman at concurrent OIC-Overall Deputy Ombudsman.  Ang  kaniyang pangangasiwa at pakikitungo  sa ibang tao ay naging ‘transparent,’ balanse at naaayon sa batas.

Bilang panghuli, gaya ng nakasaad sa 2005 Annual Report ng Office of the Ombudsman, ang OMB-MOLEO sa ilalim ng liderato ng nakalagda ay kinikilala bilang pinakamahusay na tanggapan pagdating sa bilang ng mga kasong nareresolbahan.

Inaasahan ng nakalagda na ang paliwanag na ito ay magbibigay-linaw sa artikulong nabanggit sa unahan.

BILANG

DEPUTY OMBUDSMAN

FRANCISCO TORRES

GILBERT BUENO

GRAFT INVESTIGATION AND PROSECUTION OFFICER

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with