^

PSN Opinyon

Campaign season na

- Al G. Pedroche -
SALA sa lamig, sala sa init. Iyan ang katayuan ni Presidente Arroyo. Wala nang gagawing tama sa mata ng kanyang mga kalaban sa pulitika at maging sa mata ng maraming tao. Naglaan ng P1 bilyon kamakailan ang Pangulo para sa kampanya kontra sa korapsyon. Tinuligsa siya ng mga kaibayo niya sa pulitika. Ang naturang halaga raw ay "kukurakutin" lang ng mga alipores niya sa gobyerno.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang pagpapaigting sa kampanya laban sa mga komunista na isa raw dahilan kung bakit takot mamuhunan sa bansa ang mga dayuhang negosyante. Pinaglaanan din ito ng P1 bilyon ng Pangulo banat uli ang mga kritiko. Anila, ito’y mabubuslo sa lukbutan ng mga Heneral. Sabi naman ng mga obispo, nakipag-usap daw muna sa NPA ang Pangulo bago ilunsad ang opensiba. Ilang Presidente na ang nagpapalit-palit. Walang pinatutunguhang magaling ang peace talks.

Ayaw tapusin ng mga komunista ang problema. Sa mga komunista, walang compromise. Ang sa kanila’y wasakin ang umiiral na sistema para sila ang maghari. Basic Maoist principle iyan. Ang ipinagtataka ko, habang nagbubuwis ng buhay ang mga mandirigma ng communist party sa bansa, naroroon naman at nagpapasarap sa Europa ang kanilang leader na si Joe. Ma. Sison.

Umaariba muli ang impeachment case laban sa Pangulo. Okay iyan kung may magandang motibo ang oposisyon. Pero kung ang motibo ay gumawa ng ingay bilang paghahanda sa eleksyon sa susunod na taon, hindi magandang ideya iyan dahil kapakanan ng taumbayan ang nakataya.

Totoong naikintal na sa isip ng maraming mamamayan ang mga negatibong usapin laban kay Mrs. Arroyo. Pandaraya sa eleksyon, corruption at kung anu-ano pa. Pero sa tingin naman kaya ng oposisyon ay bentahe ito para sa kanila? Gaya nang nasabi ko na, marami rin ang galit sa oposisyon, hindi lamang kay PGMA. Hindi lang kay PGMA nasusuka ang taumbayan kundi sa buong sistemang bulok.

Sa nakaraang ilang araw, inulan ng impeachment complaint ang Pangulo. May nagmula sa mga political opposition, simbahan at kabataang estudyante. Pero duda ako na ang lahat ng iyan ay manipulado pa rin ng mga nasa mainstream opposition para i-pressure ang buong Mababang Kapulungan na huwag ibasura ang reklamo gaya ng nangyari noong isang taon.

Hindi ako maka-Gloria pero naniniwala akong dapat magbago ng diskarte ang oposisyon para magtamo ng kredibilidad at patunayang tapat ang layunin nitong mareporma ang bansa.

Email me at [email protected]

ANILA

AYAW

BASIC MAOIST

ILANG PRESIDENTE

MABABANG KAPULUNGAN

MRS. ARROYO

PANGULO

PERO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with