Props lang pagsigaw ni Lomibao ng no take policy sa jueteng at video karera
June 28, 2006 | 12:00am
BINABALEWALA na ng kapulisan ang magreretirong si PNP chief Dir. Arturo Lomibao kung ang nagsusulputang jueteng at iba pang klaseng sugal ang gagawing basehan. Kasi nga, abot langit ang no take policy ang ibinabando ni Lomibao laban sa jueteng at video karera noong nakaraang ilang buwan subalit sa ngayon mukhang ito ay nabaon na sa limot. Kung pinaiiral man ni Lomibao ang naturang no take policy ang mga malapit sa kanya o graduate ng PMA ay hindi tinatamaan.
Kaya hindi ko masisi ang sambayanan kung si Lomibao ang itinuturo kung bakit patuloy ang operation ng jueteng at video karera sa bansa. Kung sabagay, magreretiro na si Lomibao sa Hulyo 5 kayat sa tingin ng mga opisyales ng kapulisan panis na ang kanyang laway, di ba mga suki? Sa paglisan niya sa PNP, iiwan ni Lomibao ang legacy na nagpasara ng jueteng subalit siya rin ang nagpabukas, anang taga-MPD. Panay props lang pala ang pagsisigaw niya ng no take policy sa jueteng at video karera! He-he-he! Panay pabaon na kasi ang inaatupag ni Lomibao sa ngayon, ayon pa sa taga-MPD.
Kung sabagay, may ebidensiya ako mga suki na wala nang bisa ang laway ni Lomibao laban sa pasugalan. Kasi nga, panay mga pulis na mismo ang nagpapatakbo ng jueteng at video karera sa ngayon at mapapahiya lang ang PNP kung haribasin pa sila ni Lomibao, Yan ay sakop din kaya ng transformation program ni Lomibao na mga pulis na ang humahawak ng pasugalan? Ihalimbawa ko na lang sina SPO1 Alan Magkaisa at SPO4 Armandito
Samson na itinuturong nasa likod ng malawakang video karera sa lugar ni Cavite Gov. Ayong Maliksi.
Si Makaisa ay naka-assign mismo sa headquarters ni Cavite PNP commander Sr. Supt. Benjardi Mantele samantalang si Samson naman ay bata ni Chief Supt. Jesus Versoza ng CIDG sa Camp Crame. Halos aabot sa 500 ang nakalatag na video karera nina Magkaisa at Samson sa Cavite pero hindi kumikilos si Lomibao para supilin ang operation nila. Bakit? May lagay na kasi sila sa Anti-Illegal Gambling Special Operations Task Force (AIGSOTF) ni Lomibao, anang taga-MPD.
Kung hindi masawata ng AIGSOTF ni Lomibao sina Magkaisa at Samson sa Cavite, aba dito sa Metro Manila lalo ring yumabong ang video karera. Nandiyan si Junjun sa Parañaque City at si Oyie naman sa Malabon City. Hindi lang yan. Kabubukas rin lang ng video karera sa kaharian ni Chief Supt. Nicasio Radovan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos mapatunayan na hindi ang mga operators nito ang sangkot sa pagpaslang kamakailan kay Insp. Danny Sarmiento sa Cubao.
Nag-aaway kasi ang mga pulis na may hawak ng video karera sa lupain ni Radovan at sa unang putok ng kaso ni Sarmiento ang away nila nga ang isang anggulong tinitingnan. Alam yan ng kaibigan ni Sarmiento na si Perry Mariano. At para wala nang away ang mga pulis na may hawak ng video karera sa area ni Radovan, aba hinati sa anim na zona ang siyudad para maiwasan nga ang tinatawag na turf war. Tingnan natin.
Sa pagretiro naman ni Lomibao, usap-usapan sa ngayon sa MPD kung sino ang papalit sa kanya. Dalawa na lang ang matunog sa puwesto at sila ay sina Dep. Dir. Gens. Oscar Calderon at Sony Razon. Kayo mga suki, sino ang manok nyo? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest