^

PSN Opinyon

Alam n’yo ba?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG pinakamatamis na pinya ay matatagpuan sa Camarines provinces sa Bicol region. Bagama’t maliit ay napakatamis ng pinyang tinatawag na Formosa. Maraming pinyang Formosa ang mabibili sa mga palengke ng Naga at Daet.

Isang Fil-Am na naninirahan sa Texas USA ang taun-taon na nagbabalikbayan at hindi siya nagsasawa sa pagkain ng pinyang Formosa habang siya at mga kasamahang bakasyonista ay nagsa-surfing sa Bagasbas beach na nasa pagitan ng Daet at Mercedes, Camarines Norte.

Sinabi ng Fil-Am at mga kasamahan niya na hindi nila ipagpapalit ang masarap na pinya sa Kabikulan kaya naman bago sila magtungo sa Boracay ay nagbaon sila nang maraming pinya.
* * *
Alam niyo bang may 220 German companies sa Pilipinas? At alam n’yo rin bang umaabot sa mahigit na P60 billion ang kanilang total investment sa bansa?

Sa mga German companies nagtatrabaho ang 27,000 empleyado na karamihan ay electronics engineers, aircraft mechanical IT specialists at accountants. Ma-rami ring kompanyang German ang nagbigay ng educational and vocational training sa mga kabataang Pilipino. Umaabot sa 12,000 kawani ang nabigyan ng vocational training ng German companies at mahigit sa 500 sa kanila ang tumanggap ng formal certification.

ALAM

BAGAMA

BAGASBAS

BICOL

BORACAY

CAMARINES NORTE

DAET

FIL-AM

FORMOSA

ISANG FIL-AM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with