Maraming problema si Bush kaya tumanda
June 17, 2006 | 12:00am
HINDI na maitago ang mga gatla sa mukha ni US President George W. Bush. Mabilis ang kanyang pagtanda. Nakikita ko sa kanyang mukha na napakarami na niyang nilampasang pagsubok bilang lider ng pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.
Samantala, si President Gloria Macapagal-Arroyo ay pabata nang pabata at tumitingkad ang kagandahan. Ibig bang sabihin mahusay magdala ng problema si GMA.
Nang giyerahin ni Bush ang Iraq ay nabaon siya sa kumunoy at lalo siyang nababaon, sa palagay ko mas grabe ang kalagayan ng US ngayon kung ikukumpara ng giyerahin nila ang Vietnam noon. Wala pa akong nakikitang solusyon na makakalas ang US sa nakakalunos na sitwasyon sa Iraq.
Maraming problema si Bush at tiyak na lalo pa siyang tatanda. Problema niya ngayon ang tungkol sa pagbabago ng kanilang immigration laws. Maraming illegal aliens doon at kabilang dito ang mga Pinoy TNT (tago nang tago).
Binabalangkas na ang bagong batas at polisiya sa immigration sa gitna ng pagtutol ng mga matagal nang naninirahan sa US partikular na ang mga Mexican na apektado sa pagbabago ng immigration laws. Kasama sa mga nagprotesta ang libu-libong Pinoys na nais iparating ang kanilang hinaing.
Ilan sa mga ipinakikiusap ng mga nagpoprotesta na payagan silang manirahan sa US o di kaya naman panatilihing magtrabaho at manirahan muna sa US ang mga illegal aliens nang kahit ilang taon para patunayang karapat-dapat silang maging immigrants at hindi magi-ging problema. Ipinagsigawan rin sa mga rallys ang mga kontribusyong nagawa ng mga illegal aliens sa pag- unlad ng Amerika kabilang ang pagbabayad ng taxes at mahusay na pagtatrabaho na hindi naman kayang gampanan ng mga legal na mamamayan ng US.
Kontrobersyal ang isyung ito sa US kaya subaybayan natin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest