^

PSN Opinyon

Kulang at sobrang pagtulog ay masama sa katawan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MASAMA sa katawan ang kulang at sobrang pagtulog. Sa isang medical report ng University of Boston, napag-alaman na ang kakulangan o sobra sa oras na pagtulog ay nagiging sanhi ng diabetes. Ayon sa pag-aaral, apektado ang proseso ng glucose at ito ang nagti-trigger para magkaroon ng diabetes.

Ayon sa medical study mula 53 hanggang 93 taong gulang ang nagkaka-diabetes bunga ng hindi pagtulog ng tamang oras.

Normal na tulog ay pito hanggang walong oras sa bawat araw. Hindi dapat na bumaba sa lima ang oras ng pagtulog at hindi naman dapat lumampas sa siyam na oras.

Ayon sa diabetologist na si Dr. Celia Talusan mali ang akala ng marami na mabuti ang matagal na pagtulog. Dapat ay pito hanggang walong oras lamang ang pagtulog araw-araw. Sinabi niya na normal sa mga tumatanda ang maikling oras na pagtulog pero dapat na uminom sila ng gatas, bitamina at food supplement. Ipinapayo rin niya na dapat na mag-exercise regularly at kumain ng masusustansiya, regular na kumain ng sariwang prutas at gulay.

ARAW

AYON

DAPAT

DIABETES

DR. CELIA TALUSAN

IPINAPAYO

ORAS

PAGTULOG

SINABI

UNIVERSITY OF BOSTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with