Gen. Lomibao may kinikilingan ka ba sa jueteng?
June 9, 2006 | 12:00am
KUNG sa Isabela, naipasara ng anti-illegal gambling task force ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao ang jueteng bakit sa ibang lugar ng bansa ay hindi nila kaya? May kinikilingan ba si Lomibao sa kampanya laban sa jueteng? Hindi ko maiwasang itanong ito kay Lomibao dahil sa patuloy na operation nina Gani Cupcupin sa Cavite, Peping Beldan sa Zambales at Bebot Roxas sa Tarlac. Baka hindi lang kaya ni Lomibao na suwagin sina Gov. Ayong Maliksi ng Cavite, Vic Magsaysay ng Zambales at Apen Yap ng Tarlac? Sa Isabela kasi nag-aaway sina Gov. Grace Padaca at mga LGUs kayat doon na muna nag-concentrate ang AIG ni Lomibao. Ang kumakalat na tsismis doon sa Isabela ay ganito. Sila na ang nagpabukas, sila rin ang nagpasara, he-he-he! Alam kaya ni Lomibao ang ibig sabihin ng kumakalat na balita na yan?
Kung iniutos ni Lomibao ang pag-raid sa Isabela, tahimik naman siya laban kina Gani Cupcupin, Peping Beldan at Bebot Roxas. Para sa kaalaman ni Lomibao, si Gani Cupcupin ang tinatawag na management ng jueteng sa Cavite. Ang bangka niya ay si alyas Ebeng ng San Pablo sa Laguna. Ang kausap pala ni Cupcupin ay ang kapatid ni Gov. Maliksi na si Bandong. Umaabot pala sa P1.7 milyon ang kubransa ng jueteng nina Ebeng at Cupcupin sa Cavite kada araw, anang kausap ko sa MPD. Ang mga bayan na may jueteng ay ang Trece Martirez, Naic, Tanza, Rosario, Malabon, Gen. Trias, Silang, Alfonso, Cavite City, Carmona, GMA, Tagaytay, Mendez, Maragondon, Amadeo, Indang at Noveleta. O, hayan Gen. Lomibao Sir, ipadala mo na ang AIG mo sa Cavite para ipasara ang jueteng nina Ebeng at Cupcupin, at para hindi ka maakusahan na nasa payroll nila, di ba Col. Pat Hernandez Sir? Habang patuloy na namamayagpag ang jueteng nina Ebeng at Cupcupin, Peping Beldan at Bebot Roxas, nagmukhang walang silbi ang three-strike policy ni Lomibao, di ba mga suki?
Hindi lang jueteng ang namamayagpag sa ngayon sa Cavite kundi maging ang video karera na pag-aari ng mga pulis na sina SPO1 Alan Magkaisa at SPO4 Armandito Samson. Si Magkaisa ay naka-assign sa Cavite PNP samantalang si Samson naman ay sa CIDG sa Camp Crame. Si Magkaisa ay may aabot sa 250 hanggang 300 makina sa bayan ng Silang, ni Mayor Monte Andaman ng Maragondon, Mayor Homer Saquilayan ng Imus, Mayor Federico Poblete ng Kawit at Mayor Re-nato Abutan ng Rosario. Si Samson naman ay may aabot sa 200 makina naman sa bayan ni Mayor Efren Nazareno ng Naic at Mayor Raymundo del Rosario ng Tanza. At siyempre, si Bandong rin ang kausap nitong sina Magkaisa at Samson, anang taga-MPD. At bakit hindi kayang supilin ni Lomibao itong si Sr. Supt. Benjardi Mantele, ang hepe ng Cavite PNP? Kung nasa ibang lugar lang itong si Mantele, tiyak tapos na ang leeg niya, di ba mga suki?
At dapat na rin sigurong mapatalsik sa puwesto si Maliksi dahil naging pugad ng jueteng at video karera ang Cavite sa ilalim ng administration niya. Subalit tinitiyak ng kausap ko na hindi lang si Maliksi ang nakikinabang sa pasugalan sa Cavite kundi maging si Vice Gov. Junvic Remulla.
Maaring magkala- ban sa pulitika sina Maliksi at Remulla subalit pagdating sa pagkakitaan tulad ng jueteng nina Ebeng at Cupcupin eh ceasefire muna sila, anila. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest