EDITORYAL - Kayang linisin ang Manila Bay at Pasig River kung...
June 9, 2006 | 12:00am
SI President Arroyo na rin ang nagkuwento na noong unang panahon daw, ang Manila Bay ay napakaraming ibinibigay na biyaya. Dito umano nanggagaling ang malalaking isda na napapakinabangan ng mamamayan, pero ngayon daw, katiting lamang ang ibinibigay na biyaya ng Manila Bay sa mamamayan.
Malinaw ang ibig ipahatid ni Mrs. Arroyo nawalan nang pakinabang ang Manila Bay sapagkat marumi. Nawala ang mga biyayang narito sapagkat nalason na ng mga kemikal na gawa ng tao.
Ang karumihan ng Manila Bay at Pasig River ang naging paksa ng isang forum na ginawa kamakalawa. Ang forum ay may kaugnayan sa development strategy ng coastal marine resources. At inatasan ni Mrs. Arroyo si Environment Sec. Angelo Reyes na linisin ang Manila Bay at ang Pasig River. Si Reyes ang inatasan ng Presidente sapagkat kung ang kidnapping incidents daw ay napahinto nito noong DILG secretary pa, magagawa rin nitong linsin ang Manila Bay at Pasig River. Kung malilinis ni Reyes ang dagat at ilog maaari na itong mapagkunan ng ikabubuhay ng mga tao. Magkakaroon na ng pagkakakitaan sapagkat maaari nang pangisdaan at pati sa transportasyon ay maaari nang mapakinabangan. Sinabi pa ni Mrs. Arroyo na makikipag-ugnayan si Reyes sa Department of Agriculture, National Economic and Development Authority, Department of Foreign Affairs, Department of Tourism at Department of Transportation and Communication.
Marumi ang Manila Bay at mas lalo ang Pasig River. Ang Pasig River ay ginawa nang malaking basurahan ng mamamayan at maging nang mga ganid na kompanya at pabrika sa pampang nito. Sa Pasig River iniluluwa ang mga kemikal na galing sa mga kompanya at pabrika. Mas mabuti sa Manila Bay at may nahuhuli pang isda samantalang sa Pasig River ay wala na. Namatay na dahil sa lason.
Marami nang ginawang kampanya ang mga nakaraang administrasyon para linisin ang Pasig River subalit lahat iyon ay nauwi sa wala. Ningas-kugon din. Mahusay lamang sa simula. Nakasusulasok ang amoy ng ilog ngayon na dati raw ay maraming isdang nahuhuli. Ngayon subukang mamingwit sa Pasig River at ang mahuhuli ay nangangamoy na basura.
Sanay magkaroon ng bunga ang balak na paglilinis sa Manila Bay at Pasig River. Sana ay hindi rin ito ningas-kugon kagaya ng ginawa mga nakaraang administrasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended