^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming ‘uhaw’ at ‘hubad’ sa edukasyon

-
NOONG Huwebes isang grupo ng mga kabata- ang hindi nakapagpatuloy sa pag-aaral ang nagtatakbo nang hubad sa Morayta Street. Isinisigaw nila ang walang tigil na pagtaas ng tuition fees at ang mababang kalidad ng edukasyon. Sinabi ng mga hubad na out of school youth na hindi sila makapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa sobrang taas ng tuition fees. Ang grupo ay kabilang sa Alyansa ng Nagkakaisang Lakas ng Kabataan. Ang pagtakbo anila nang hubad ang inaakala nilang paraan para maipahatid sa gobyerno ang sobrang taas ng tuition. Sila anila ang simbolo ng mga kabataang "hubad" sa edukasyon. Pagkatapos magmartsa sa Morayta ay nagtungo ang grupo sa España St. subalit nang maamoy nilang aarestuhin sila ng mga pulis ay mabilis na nagsisakay sa isang naghihintay na van at matuling umalis.

Malinaw ang ibig ipahatid ng mga hubad na out of school youth sa gobyerno, partikular sa mga namumuno sa bansang ito na nararapat bigyang pansin ang nangyayari sa edukasyon. Taun-taon na lamang ay nagtataas ng tuition fees ang mga schools at walang magawa ang mga kinauukulan kung paano sila mapipigilan. Nariyan nga ang Commission on Higher Education (CHEd) subalit tila sunud-sunuran sa mga schools. Wala silang magawa kapag gustong magtaas ng tuition. Sa walang tigil na pagtataas, ang mga magulang ang labis na nahihirapan. Patuloy na kumakapit sa patalim para makapagpatuloy sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Wala naman silang magagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ng mga schools.

Habang patuloy ang pagtaas ng tuition nagiging usapin din naman ang kawalan ng kalidad ng edukasyon. Maraming estudyante ang hindi makapagsalita at makaintindi ng English. Mahina rin sa Science at Math. Isinisisi ang problemang ito sa kawalan ng mahuhusay na guro at ganoon din naman sa kakulangan ng mga classrooms. Maraming estudyante ang nagsisiksikan sa classrooms. May mga estudyanteng nagkaklase sa ilalim ng punong kahoy dahil sa kakulangan ng classrooms.

Maraming guro na dahil sa kaliitan ng kanilang suweldo ay tinitiis na magtungo sa Saudi Arabia, Singapore, Hong Kong, Italy at iba pa para maging domestic helper. May pagkakataon silang umasenso sa ibang bansa kaysa naman sa magturo na kailangan pang magsideline sa pagbebenta ng tocino at longganisa.

Ang edukasyon ang dapat maging prayoridad ng gobyerno walang maging hubad.

ALYANSA

ESPA

HIGHER EDUCATION

HONG KONG

MARAMING

MORAYTA STREET

NAGKAKAISANG LAKAS

SAUDI ARABIA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with