Hindi pa kami tapos sa inyo mga Kapal Muks!!!
May 8, 2006 | 12:00am
NASAKSIHAN ninyo noong nakaraang Sabado sa aming programa ang mga ginawang operation ng grupo ng BITAG laban sa mga abusadong kapal muks na mga kawani ng gobyerno na gumagamit ng mga sasakyang pula ang plaka.
Para sa amin, ang problemang ito ay kailangan nang matuldukan upang matigil na ang pamamayagpag ng mga kawani ng gobyerno na nagsasamantala sa paggamit ng mga sasakyang pang gobyerno.
Kamakailan ay naglabas ng pahayag si Ombudsman Merciditas Gursereza. Kaya agad naming pinuntahan si Assistant Mark Jalandoni na siyang nakatalaga bilang pinuno ng Task Force Red Plate.
Sa panayam namin kay Assistant Mark Jalandoni, nabatid ng aming grupo na seryoso ang tanggapan ng Ombudsman na parusahan at tuldukan ang kakapalan ng mukha ng kawani ng ating gobyerno na hindi marunong mahiya sa ginagawa nilang paggamit ng mga sasakyang may pulang plaka.
Sa harap ng aming camera, sinabi rin ang assistant ombudsman na nais nilang sumama sa susunod na manghuli kami ng mga sasakyang may pulang plaka na nakarapada sa harap ng mga KTV Bars, Motel, Shopping Malls at Sauna.
Nanawagan din si Assistant Ombudsman Mark Jalandoni sa mga mamamayang may cellular phone na may camera, digital camera at still camera na makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan ng pagpiprisinta sa kanilang tanggapan ng mga litrato o video ng mga sasakyang may pulang plaka habang ito ay ginagamit sa pang sariling kapritsohan.
Panawagan naman ng BITAG sa mga kawani at opisyal ng ating gobyerno na nangungunsinti at patuloy na gumagamit ng mga sasakyang may pulang plaka para sa kanilang pangsariling kapritsohan, ituloy niyo lang ang ginagawa niyo, pero sa sandaling nakuhanan kayo ng aming surveillance camera, sisiguruhin namin na si-sikat kayo at makikilala ng publiko sa kakapalan ng mga pagmumukha niyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended