Masaya ang Mayo
May 7, 2006 | 12:00am
Ang buwan ng Mayoy buwan ng bulaklak
At buwan din itong masaya ang lahat;
Sa bayan at nayoy ating mamamalas
Ang mga balwartey may bagong pahiyas!
Sa mga lugaring buhay pa ang batis
Mga bangka rooy palaging malinis;
Mga namamangkay binatang makisig
At ang kasama nyay dalagang marikit!
Silay sumasagwang may ngiti sa labi
At ang ilaw nilay buwang nakangiti;
May mga bituing sumisilip lagi
Sa siwang ng dahong sariwa palagi!
Sa mga probinsyay ating makikita
Na namumulaklak mga punong mangga;
Itoy mababangong ang sanghayay iba
Pagkat mamumungang sariwat sagana!
Sa loob ng hardin ang mga bulaklak
Ay nag-uunahan sa biglang pagbukad
Kaya mga itoy pinuputi agad
Upang sa simbahay ialay ng dilag!
Sapagkat bakasyon ang mga eskwela
Ay nagpapasyalan na barka-barkada;
Bata at teenagers sa mga kalsada
Nagsisipaglarot nagsisigawan pa!
Kung Linggo ay puno ang mga simbahan
Ng mga pamilyang dooy nagdatingan;
Dalagat binata ay nasa luhuran
Kapwa sumusumpang tapat sa suyuan!
At higit sa lahat ang dala ng Mayo
Ay ulang pambuhay sa halamat damo;
Ang unang ulan daw kung buwang ganito
Dapat ipaligo ng lahat ng tao!
At buwan din itong masaya ang lahat;
Sa bayan at nayoy ating mamamalas
Ang mga balwartey may bagong pahiyas!
Sa mga lugaring buhay pa ang batis
Mga bangka rooy palaging malinis;
Mga namamangkay binatang makisig
At ang kasama nyay dalagang marikit!
Silay sumasagwang may ngiti sa labi
At ang ilaw nilay buwang nakangiti;
May mga bituing sumisilip lagi
Sa siwang ng dahong sariwa palagi!
Sa mga probinsyay ating makikita
Na namumulaklak mga punong mangga;
Itoy mababangong ang sanghayay iba
Pagkat mamumungang sariwat sagana!
Sa loob ng hardin ang mga bulaklak
Ay nag-uunahan sa biglang pagbukad
Kaya mga itoy pinuputi agad
Upang sa simbahay ialay ng dilag!
Sapagkat bakasyon ang mga eskwela
Ay nagpapasyalan na barka-barkada;
Bata at teenagers sa mga kalsada
Nagsisipaglarot nagsisigawan pa!
Kung Linggo ay puno ang mga simbahan
Ng mga pamilyang dooy nagdatingan;
Dalagat binata ay nasa luhuran
Kapwa sumusumpang tapat sa suyuan!
At higit sa lahat ang dala ng Mayo
Ay ulang pambuhay sa halamat damo;
Ang unang ulan daw kung buwang ganito
Dapat ipaligo ng lahat ng tao!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended