Bulag, pipi at bingi na si Arch. Oscar Cruz sa jueteng?
April 30, 2006 | 12:00am
DUMATING na sa bansa si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz subalit mukhang hindi na takot ang mga jueteng operators sa Pangasinan sa kanya. Katunayan, lalong nag-expand ang jueteng sa Pangasinan, ang home province ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao, dahil si Cruz ay may jet lag pa.
Ayon sa mga suki ko, umaabot na sa 25 bayan ng Pangasinan ay may jueteng na sa ngayon. At ang bola ng winning combinations ay doon na mismo sa mga bayan-bayan na. At kung tahimik si Cruz sa jueteng sa hurisdiksiyon niya, ganun na rin si Lomibao. Nakalimutan na ata ni Lomibao ang transformation program niya at pati itong probinsiya niya ay ginawa niyang pugad ng jueteng. Ibig bang sabihin nito, goodbye na ang jueteng campaign ni Lomibao? Paano masusugpo ni Lomibao ang jueteng sa bansa kung mismong sa probinsiya nya ay hindi niya maaksiyunan nga? He-he-he! Mukhang nag-iipon na si Lomibao ng baon habang nalalapit na ang retirement niya sa July 5.
Bakit kaya bulag, pipi at bingi na sa ngayon si Cruz laban sa jueteng? Kung hindi makita ni Cruz ang jueteng sa Pangasinan, paano niya masasawata ang operation nito sa iba pang bahagi ng bansa? Matatandaan na si Cruz, ang chairman ng Krusada Laban sa Jueteng, ang dumakdak nang dumakdak noong isang taon para masara nga ang jueteng sa bansa. Sa ngayon, tahimik na si Cruz at sa tingin ko ay dahil sa maatik na dahilan. Wala rin palang binisa si Cruz, no mga suki? Baka naging ulyanin na si Cruz kayat nakalimutan niyang may kampanya pala siya laban sa jueteng? Daldal nang daldal iyon pala sa WALA rin babagsak ang mga laway ni Cruz, di ba mga suki?
Para sa kaalaman ni Cruz ang nasa likod pala ng pagbalik ng jueteng sa Pangasinan, ayon sa mga suki ko, ay ang mga personalities na sina Cong Espino, ASEC Bebot Villar, at siyempre si Chief Supt. de Vera ang regional director ng PNP sa Region 1. Sa tingin ko, kahit sino pa sila, hindi sasantuhin sila ni Cruz noong kasagsagan ng kampanya niya laban sa jueteng noong isang taon. Pero sa ngayon, mukhang naduwag na si Cruz sa laban. Kaya may laman na ang bulsa niya kayat paabroad-abroad na si Cruz, yan ang suspetsa ng mga suki ko. Hanggang kailan kaya ang pananahimik ni Cruz?
Kaya habang tahimik si Cruz, tiba-tiba naman ang mga financiers ng jueteng na sina Bong Cayabyab, Deo Jimenez, at Boy Bata. Aabot pala sa P5 milyon kada araw ang kubransa sa jueteng sa Pangasinan kapag nor-mal na ang operation nito. Ang iba pang financiers ay sina Luding Buongaling sa bayan ng Calasiao at Sta. Barbara, si Anton Lee sa San Carlos City at si Vertud Tomboy Beltran sa 2nd District. Ang tagapamahala ng lingguhang intelihensiya para sa local at national police at government officials ay itong sina Lito Millora, Benjie Torio at Pidong Ocampo, na nagyayabang na pinsan siya ni Lomibao. Aba, pati pala ang mga kamag-anak ni Lomibao ay pumipitik na rin sa jueteng bago siya mag-retire. Hindi kayang suwetuhin ng mga pulis ang jueteng sa Pangasinan dahil nakabilad dito ang mukha ni Lomibao.
Kaya kay Cruz nakatuon ang paningin ng sambayanan sa ngayon. Dahil siya lang ang may kakayahan sa ngayon na pigilin ang pagbalik ng jue-teng sa bansa.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am