^

PSN Opinyon

Pag-iingat sa lansangan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Hindi biro ang mga nagiging biktima ng mga aksidente sa lansangan. Nandiyan ang mga motorista o mga driver ng mga sasakyan na kung magmaneho ay para bang sila lang ang may karapatang gumamit ng lansangan. Mayroon din diyan na marahan ngang magpatakbo ng sasakyan, ngunit di alintana na sila’y nakasasagabal sa daloy ng trapiko. At meron pa rin diyan na magaling ngang magmaneho ng sasakyan, ngunit di naman marunong sumunod sa batas trapiko, ni hindi rin pinapansin ang mga stoplight at mga paunawa’t babala.

Sa dami at iba’t-ibang uri ng mga sasakyan sa ating lansangan, ibayong peligro o panganib ang sinusuong kapwa ng mga motorista at ng mga mamamayang gumagamit ng mga lansangan at mga biyaherong sumasakay lalo na sa mga pampublikong sasakyan. Samakatuwid, kailangang ibayong pag-iingat din ang dapat gawin ng lahat ng taong gumagamit ng ating mga lansangan.

Anong uri ng mga pag-iingat ang maaaring gawin sa ating mga lansangan? Una, ang mga tao’y di dapat tumawid sa kung saan-saang panig lamang ng lansangan. Kailangang maipatupad nang husto ang pagtawid sa tamang tawiran, gaya ng mga pedestrian lanes at mga overpass o di-kaya’y underpass. Ang mga nagmamaneho ng sasakyan ay dapat tunay na lisensiyadong magmaneho — ibig sabihin, alam nila ang mga batas trapiko, alam nila kung ano ang tamang bilis o bagal ng pagpapatakbo ng sasakyan sa iba’t ibang uri ng lansangan. Alam nila kung paanong tumugon sa posibleng emergency na maaaring maganap sa lansangan. Sila rin ay hindi dapat nakainom o lasing o di-kaya’y nakainom ng gamot na maaaring makapaglagay sa kanila sa sitwasyong hindi sila magiging alisto sa anumang kahihinat- nan sa lansangan. Higit sa lahat, ang mga nagmamaneho ng sasakyan, mapapubliko man o pribado, lalo na kung may lulan silang pasahero, ay dapat may pagpapaha-laga sa buhay — hindi lamang sa kanilang buhay, kundi sa buhay rin ng kanilang mga pasahero.

ALAM

ANONG

HIGIT

KAILANGANG

LANSANGAN

MAYROON

NANDIYAN

SAMAKATUWID

SASAKYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with