^

PSN Opinyon

Ngayong national artist na si Da King

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
INAPRUBAHAN na (raw) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nominasyon ng anim na National Artist. Kasama rito si Fernando Poe, Jr bilang National Artist for Film. Ang nominasyon ni FPJ at ng lima pang National Artist ay sa inisiyatibo ng Joint Boards of the Commisioners of the National Commission for Culture and the Arts at ng mga Trustees ng the Cultural Center of the Philippines.

Bilib ako sa ideyang ito sapagkat ito ang kailangan ngayon sapagkat pawang pulitika na lamang ang pinagkakaabalahan. Nakakalimutan na ang iba pang bagay na maaaring makapaghilom sa mga sugat na dulot ng pagkakaiba ng paniniwala sa pulitika.

Kung hindi napasok pa si FJP sa pulitika hindi sana siya nasabak pa sa maruruming taktika ng pulitika na matagal na ring panahon niyang iniwas-iwasan. Siguro nga ay dumating na rin sa kanya ang panawagan na magsakripisyo.

Tiniis ni FPJ ang hirap ng pangangampanya at mga sakit ng kalooban dahil sa mga paratang at paninirang-puri. Ang masakit ay hindi pa naging maganda ang pinagtapusan ng kanyang paghihirap. Natalo si FPJ sa pagka-pangulo. Hanggang sa siya ay bawian ng buhay.

Karapat-dapat ang pagkakapili kay FPJ bilang National Artist for Films. Para sa akin, magandang hakbang ito para kay GMA. Malaki ang maitutulong sa hindi magandang karanasan nuong nakaraang eleksyon. Baka ito ang maging dahilan ng pagsasarado sa usaping pulitikal.

BILIB

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

CULTURE AND THE ARTS

FERNANDO POE

HANGGANG

JOINT BOARDS OF THE COMMISIONERS OF THE NATIONAL COMMISSION

KARAPAT

KASAMA

NATIONAL ARTIST

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with