^

PSN Opinyon

Pansariling interes ang dahilan sa Cha-cha

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
BINABALE-WALA ng mga pulitiko ang panawagan ng nakararami (isa na ako) na isantabi muna ang pag-aamyenda ng Saligang Batas. Para sa akin, makabubuting harapin na muna ang maraming problemang matagal nang sumasakmal sa bansa. Naniniwala ako na makapaghihintay ang pagpapalit sa Konstitusyon.

Ang bilyong pisong lulustayin sa Charter change ay gamitin na sa pangangailangan ng mamamayan. Lubog na sa kahirapan ang mamamayan. Marami ang nagpapaalipin sa ibang bansa upang huwag magutom ang kanilang mahal sa buhay.

Subalit ayaw magpaawat ang mga pulitiko para mabago ang Saligang Batas. Lumiliwanag ang kani-kanilang pakay kung bakit nagmamadali sila sa pagbabago ng Saligang-Batas. Unang-una nang pakay ay upang mapanatili si GMA sa kanyang posisyon matapos ang kanyang termino. Pangarap ni Speaker Joe de Venecia na maging prime minister kapag nabago na ang Saligang Batas. Gustong makabalik sa poder si FVR. Ang mga opisyal na nakaposisyon ngayon ay nangangarap na tumagal pa ng ilang taon sa tungkulin na katulad ng mga senador, congressmen, governor at mayor. Ang iba ay sumusuporta sa pagpapalit ng Saligang Batas dahil nagkakapera sila sa pamamagitan nito.

Maisasakatuparan daw sa loob ng tatlong buwan ang pagpapalit ng Saligang Batas kaya binubuhusan nila ng limpak na salapi at suporta.

BATAS

GUSTONG

KONSTITUSYON

LUBOG

LUMILIWANAG

MAISASAKATUPARAN

MARAMI

NANINIWALA

SALIGANG BATAS

SPEAKER JOE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with