2 milyong pirma nakalap na sa cha-cha
March 27, 2006 | 12:00am
KUNG mayroong dapat magsulong ng pagbabago sa Konstitusyon, itoy hindi ang pamahalaan kundi taum-bayan. Peoples initiative. Batay sa latest report na natanggap natin, umaabot na sa dalawang milyong lagda ng mamamayan ang nakalap para suportahan ang pagbabago sa Konstitusyon.
Kapag gobyerno ang nagsulong ng cha-cha, laging duda ang tao. Walang kredibilidad ika nga. Sa milyun-milyong lagdang ito na nakalap, nakikita natin na sa takbo ng bulok ng pulitika sa bansa at masamang pagpapatakbo ng pamahalaan, naghahanap na ng pagbabago ang mamamayan. Hindi natin masisisi ang taumbayan na uhaw na sa pagbabago. Masyado nang naudlot ang pag-usad ng ekonomiya at dumarami ang pobreng Pinoy.
Mayroong 100 peoples organization ang pumipiglas ngayon sa pagsusulong ng "peoples initiative" sa layuning mabago ang sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng charter change. Kapag taumbayan ang humingi ng pagbabago, wala tayong magagawa kundi sumunod sa agos.
Pero mayroon pa ring tumututol sa cha-cha. At ang paggalaw na ito ng mga mamamayan ay sinasabing pakana raw ng pamahalaan. Sinasabing paraan ito ni Presidente Gloria na umiwas sa impeachement at ibang hakbang na naglalayong magpatalsik sa kanya. Iyan ang hirap. Lahat na lang hinahaluan ng pulitika. Sa ganyang kalagayan natin, paano pa maitutuwid ang mga pagkakamali upang bumuti ang takbo ng pamahalaan?
Kamakalawa, nagkaroon ng heavy turnout ang mga barangay assemblies and by all indications, nagpahayag ng nagkakaisang suporta ang maraming mamamayan sa charter-change. Ayon sa Sigaw ng Bayan Movement, umbrella organization ng may 100 samahan ng mamamayan, mayorya sa mga lumahok ng taumbayan ay kumatig sa charter change.
Sa ilalim ng Konstitusyon, may dalawang paraan para sa charter change. Itoy sa pag-convene ng Senado at Mababang Kapulungan bilang constituent assembly at ang ikalaway sa pamamagitan ng peoples initiative o inisya-tibo ng mamamayan. Ang con-ass ay malayo nang magkatotoo dahil halos lahat ng Senador ay tutol dito. Mas katig ako sa pangalawa.
Personally, naniniwala pa rin ako na ang puso ng mga leader ng bansa ang unang da-pat baguhin at hindi ang Konstitusyon. Pero kung taumbayan ang humihingi ng reporma at itoy naaayon sa Konstitusyon, hindi dapat tutulan ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest