^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Maski sekyu sa Customs ay ‘busog na busog’

-
KUNG ang karaniwang security guard sa Bureau of Customs (BoC) na sumusuweldo ng P8,000 isang buwan ay nakapagpundar ng mga kaduda-dudang ari-arian, mas lalo nang makapagpupundar ang mga lehitimong opisyal at empleado sa cor- rupt na Customs. Hindi nila hahayaang malam-pasan sila ng security guard lamang na sumasahod nang kakapiranggot.

Ang talamak na katiwalian sa Customs ay hindi na kaila sa mamamayan. Basta narinig nilang si ganito at si ganoon ay empleado sa Customs, masama na ang dating. Kurakot. Tiwali. Magnanakaw. Buwaya. Masakit sa taynga pero iyan ang katotohanan. Ang grabeng katiwalian hindi lamang sa Customs ang naging daan para ilunsad ni President Arroyo ang "lifestyle check". Layunin ng "lifestyle check" na mabusisi ang klase ng pamumuhay ng mga taong gobyerno (lalo sa BoC, BIR, DPWH, BI, DepEd, AFP etc.) at maparusahan kung totoong nagbulsa ng pera ng taumbayan. Sisilipin kung totoo ang nakalagay sa kanilang isinumiteng statements of assets and liabilities and net worths (SALNs).

Pero ang nakapagtataka ay kung malamang isang security guard na nakatalaga sa NAIA Customs House sa Pasay City ang masaganang namumuhay na talo pa ang isang karaniwang empleado. Ang sekyu na nakilalang si Raul Enriquez ay may apat na malalaking bahay sa mayayamang subdibisyon sa Pasig City na nagkakahalaga ng milyong piso. Bukod sa malalaking bahay, marami ring sasakyan si Enriquez, kabilang ang 2005 model Ford Escape at isang Toyota Corolla model 2000. Nagsimulang magtrabaho bilang sekyu sa Customs si Enriquez noong 1987.

Katwiran naman ni Enriquez kung bakit nakabili ng mga milyones na bahay at lupa, marami raw business ang kanilang pamilya. Marami raw silang salon at dress shop. Ganoon man dinismis ng Department of Finance (DOF) ang mga katwiran ni Enriquez, kahit na raw sinong mahusay na mathematician ay mahihirapang kuwentahin kung paano nakabili ng sangrekwang ari-arian na nagkakahalaga ng milyon ang isang tulad niyang sumasahod lamang ng kakarampot.

Kung ang isang sekyu sa Customs ay corrupt na, paano pa ang mensahero, Customs examiner at marami pang matataas na pinuno roon.

Kawawa naman ang bansang ito na pinamamahayan ng mga buwayang walang kabusugan.

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS HOUSE

DEPARTMENT OF FINANCE

ENRIQUEZ

FORD ESCAPE

KUNG

PASAY CITY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with