Maagang pagreregla at ang good feminine hygiene
March 19, 2006 | 12:00am
SA panahong ito ay mas maaga nang dinadatnan ng regla ang mga kabataang babae. May mga nireregla na 10 taong gulang pa lang at meron pa ngang siyam na gaya ng anak ng aking pinsan na tawagin na lamang nating Sugar. Dahil 9 years old pa lang si Sugar, habang siyay naglalaro ay bigla siyang nataranta at natakot ng may dugong lumabas sa kanyang puwerta at tumagos sa kanyang hita, binti at paa. Umiiyak siyang lumapit sa ina na nahintakutan din at nag-alala na baka na-rape ang anak o baka may bagay na tumusok at pumunit sa hymen ng anak kaya siya dinudugo.
Dali-dali niyang dinala si Sugar sa tiyahing OB-GYNE at nalaman niya na si Sugar ay may menstruation na.
Napatunayan na dahil sa hormone dulot na rin ng mga sustansiya na kinakain ni Sugar kaya mas maaga siyang nagka-mens. Dito rin pumasok ang kaalaman sa pre-menstrual syndrome na isang hormonal imbalance na nagiging dahilan ng sobrang pananakit ng ulo, anxiety attacks and swelling.
Importanteng malaman ng mga kababaihan ang good feminine hygiene. Maraming produkto tungkol sa paglilinis ng ari ng babae ang ipinalalabas sa TV at ang nag-eendorso ay mga sikat na artista.
Kasabihan na anything extreme is poison kaya dapat na pakaingatan ang paglilinis sa maselan na bahagi ng katawan ng babae. Napag-alaman na ang vaginal tissue is self-cleaning kaya ang pagdo-douche ay hindi kailangan lalo na kung matapos makapagregla at makipagtalik ang babae.
Ayon sa mga health experts, some vaginal dis- charge is normal and odors, if any, probably originate from the external genitals at itoy puwede nang linisin sa pamamagitan ng sabon at malinis na tubig. Kapag ang babae ay makaramdam ng kakaibang amoy, discharge at pangangati ng ari, maaaring makabubuting patingin kaagad sa doktor. Ang douching ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga nagdadalantao at iyong nasa unang stage of pregnancy.
Dali-dali niyang dinala si Sugar sa tiyahing OB-GYNE at nalaman niya na si Sugar ay may menstruation na.
Napatunayan na dahil sa hormone dulot na rin ng mga sustansiya na kinakain ni Sugar kaya mas maaga siyang nagka-mens. Dito rin pumasok ang kaalaman sa pre-menstrual syndrome na isang hormonal imbalance na nagiging dahilan ng sobrang pananakit ng ulo, anxiety attacks and swelling.
Kasabihan na anything extreme is poison kaya dapat na pakaingatan ang paglilinis sa maselan na bahagi ng katawan ng babae. Napag-alaman na ang vaginal tissue is self-cleaning kaya ang pagdo-douche ay hindi kailangan lalo na kung matapos makapagregla at makipagtalik ang babae.
Ayon sa mga health experts, some vaginal dis- charge is normal and odors, if any, probably originate from the external genitals at itoy puwede nang linisin sa pamamagitan ng sabon at malinis na tubig. Kapag ang babae ay makaramdam ng kakaibang amoy, discharge at pangangati ng ari, maaaring makabubuting patingin kaagad sa doktor. Ang douching ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga nagdadalantao at iyong nasa unang stage of pregnancy.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended