A memo to my mistahs and fellow cavaliers
March 19, 2006 | 12:00am
BINABATI ko ang aking mga Mistah at kapwa Cavalier, bilang isang adopted member ng PMA (Sandiwa) class of 1985. Maraming mga OFW at mga kamag-anak nila ang lumalapit sa akin at dahil diyan ay nalaman ko na marami nang mga sundalo ang umalis na sa service dahil sa sama ng loob nila sa pangyayari sa ating Armed Forces ngayon, kaya naisipan na lamang nilang magsapalaran sa ibang bansa. Dahil sa aking pagmamahal sa ating mga kasundaluhan, naisipan kong ibahagi ang aking mga nalalaman sa suliraning ito at sana ay marinig ito ng pamunuan ng ating sandatahang lakas.
Ayon sa mga kuwentong aking narinig, masama nga talaga ang loob ng ating mga sundalo, retirado man or aktibo, dahil sa kanilang paniwalang ginamit ang military upang mandaya sa nakaraang election. Marami sa kanila ay may ganitong paniwala dahil sa narinig nila ito sa ibang tao, kung hindi dahil sa nakita at naranasan nila ito, at sila mismo ay nautusang gawin ito.
Upang matugunan ang suliraning ito, naniniwala akong dapat na kaagad-agad ilabas na ng pamunuan ng military ang "Mayuga Report", na hanggang sa ngayon ay parang itinatago pa sa hindi malamang dahilan.
Mabigat ang himutok ng ating mga sundalo at ang isang dahilan diyan ay nabahiran ng dumi ang institution na kanilang minamahal, at sa tindi nga ng kanilang pagmamahal ay handa silang ibigay ang kanilang buhay. Kasama sa mga naghihimutok na yan ang maraming Sergeant Majors na tinitingala ng mga pangkaraniwang sundalo.
Nalaman ko na rin na mahal pa rin ng ating mga sundalo ang kanilang mga opisyal at dahil diyan ay pinupuri ko silang lahat, lalo na ang mga PMA graduates, ngunit narinig ko rin ang panawagan ng mga sundalo na dapat daw na ma-redeem ang honor ng military sa pamamagitan ng pag-"clear the air" sa nangyaring dayaan. Dapat ilabas na kaagad ang "Mayuga Report" upang may ending na ito.
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 a.m. Email [email protected], text 09187903513, visit my website http://www.royseneres.comwww.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Fathers Coffee.
Ayon sa mga kuwentong aking narinig, masama nga talaga ang loob ng ating mga sundalo, retirado man or aktibo, dahil sa kanilang paniwalang ginamit ang military upang mandaya sa nakaraang election. Marami sa kanila ay may ganitong paniwala dahil sa narinig nila ito sa ibang tao, kung hindi dahil sa nakita at naranasan nila ito, at sila mismo ay nautusang gawin ito.
Upang matugunan ang suliraning ito, naniniwala akong dapat na kaagad-agad ilabas na ng pamunuan ng military ang "Mayuga Report", na hanggang sa ngayon ay parang itinatago pa sa hindi malamang dahilan.
Mabigat ang himutok ng ating mga sundalo at ang isang dahilan diyan ay nabahiran ng dumi ang institution na kanilang minamahal, at sa tindi nga ng kanilang pagmamahal ay handa silang ibigay ang kanilang buhay. Kasama sa mga naghihimutok na yan ang maraming Sergeant Majors na tinitingala ng mga pangkaraniwang sundalo.
Nalaman ko na rin na mahal pa rin ng ating mga sundalo ang kanilang mga opisyal at dahil diyan ay pinupuri ko silang lahat, lalo na ang mga PMA graduates, ngunit narinig ko rin ang panawagan ng mga sundalo na dapat daw na ma-redeem ang honor ng military sa pamamagitan ng pag-"clear the air" sa nangyaring dayaan. Dapat ilabas na kaagad ang "Mayuga Report" upang may ending na ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am