^

PSN Opinyon

Gadget bagong ‘yaya’ ng mga bata

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Sa maraming tahanan ngayon, ang gadget ay hindi na lamang laruan o pantulong sa pag-aaral. Ito na ang naging “yaya” ng mga paslit. Kapag umiiyak ang bata, mabilis na inaabot ang cellphone o tablet. Isang pindot sa YouTube Kids o mobile game ay tahimik na agad ang bata. Para bang ang gadget ang bagong pacifier ng henerasyon.

Maraming bata ang natututo ng ABC, kulay, at kanta mula sa apps at videos. Ang gadget ay nagiging guro na hindi napapagod magsalita. Ang gadget ay nagiging kalaro rin. Kapag nag-iisa ang bata, ang gadget ang kausap, kakampi, at minsan ay “best friend” sa paglaki. Dahil sa trabaho at abala, ang gadget ang nagiging bantay, taga­paglibang, at minsan ay tagapagturo, na dapat sana’y papel ng magulang o guro.

Ngunit sa sobrang paggamit, lumilitaw ang mga pa­nganib na hindi agad nakikita ng mga magulang. Pagka-adik ang isa sa mga epekto ng sobrang paggamit ng gadget. Kapag ang bata ay nasanay na gadget ang solusyon sa pag-iyak, pagkain, o pagkabagot ay nagiging dependency ito na mahirap putulin. Sa halip na makipaglaro o makipag-usap, mas pinipili ng bata ang screen. Nawawala ang natural na pakikipag-ugnayan na mahalaga sa emosyonal na paglaki. Ang sobrang screen time ay nagdudulot din ng eye strain, obesity, at insomnia.

Hindi masama ang paggamit ng gadget dahil may benepisyo rin itong dala. Ngunit kung ito na ang pangunahing “yaya,” nawawala ang papel ng magulang. Ang bata ay natututo, pero kulang sa emosyonal na koneksyon na mahalaga sa paglaki. Kung dati ay may “yaya” na nag-aalaga, ngayon ay may “digital yaya” na nakapaloob sa screen.

Huwag nating hayaang lamunin ng gadget ang kaba­taan. Huwag ipasa sa gadget ang papel ng pagiging magulang.

GADGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with