^

PSN Opinyon

Malaki talaga ang nagagawa ng pera ni Apeng Sy

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAUSO na naman ang larong bodabil sa mga pulis Maynila. Ang tinutukoy ko mga suki ay ang sunud-sunod na pagsalakay kamakailan ng pulisya ng Manila Police District (MPD) sa mga butas ni Apeng Sy, lalo na ang ibinulgar ko rito. Aba, siyempre, humanga ako. Ngayon lang kasi tinugunan ng MPD ang aking pagbubulgar sa mga illegal na pasugalan sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza. Handa naman akong purihn ang taga-MPD bunga nga sa pagkilos nila sa expose ko.

Subalit ang paghanga ko mga suki ay napalitan ng simangot bunga sa ilang minuto lang na nawala ang mga kubrador at iba pang workers ni Apeng Sy ay nagba- likan din sila sa puwesto nila. Marami pa sa kanila ay nakangiti habang patuloy na nangubra ng taya sa bookies nga. O di ba maliwanag na bodabil ’yan, mga suki? He-he-he! Malakas talaga ang kapit ni Apeng Sy at malaki rin talaga ang nagagawa ng pitsa niya, di ba mga suki?

Ang ginawa ng taga-MPD na raid sa mga puwesto ni Apeng Sy ay depensa lang nila kapag nasita sila ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao. Siyempre, kapag na-raid na kasi ang mga puwestong binanggit ko, puwedeng ipakita ito ng mga opisyales ng MPD kay Lomibao na hindi sila nagkulang sa kampanya nila sa illegal gambling. ’Ika nga may papel o ebidensiyang hawak ang MPD. Sa ngayon kasi na mainit ang ulo ni Lomibao sa mga sugal, aba, maaring magkaroon din ng sibakan sa MPD kung wala silang maipakitang aksiyon laban kay Apeng Sy.

Kaya ang siste sa ngayon, hindi na matitinag ang mga nakaupong opisyales ng MPD dahil may hawak silang panangga, ang resulta nga ng kanilang bodabil. Kaya kahit patuloy pa rin ang operation ng bookies ni Apeng Sy, panatag na ang loob ng mga opisyales ng MPD. ’Ika nga makakatulog na sila ng mahimbing. He-he-he!

Titiyakin ko mga suki na panandalian langang ginhawa nila dahil hindi ako magsasawa sa pagbulgar ng mga puwesto ni Apeng Sy. At mukhang kasali na rin sa bodabil ng taga-MPD ang kaibigan kong si PO2 Bayani Neri, ang kolektor ni CIDG director Chief Supt. Jess Versoza. Kasi nga, huminto rin pansamantala si Neri sa kaiikot niya at imbes gumamit na lang siya ng ibang kolektor nga. Inaalam ko pa kung sinu-sino ang ginagamit ni Neri. ’Ika nga lie low muna si Neri, na kinamumuhian ng taga-MPD na may kalakaran din.

Ayon sa mga kausap ko sa MPD, kaya pala hindi binabalik ni Neri ang mga nakumpiska niyang TV eh ginagamit din niya sa negosyo niya. Totoo kaya na mismong si Neri ay may pa-bookies din sa Tondo? ’Yan ang kumakalat na balita sa ngayon sa MPD. Ito kasing si Neri ay dating luminya sa video karera at bunga sa nagsara ang mga makina sa Maynila nga, lumipat siya ng negosyo sa bookies ng karera nga, anang taga-MPD.

Malalaman ko ang kasagutan sa susunod na mga araw, mga suki? Ang akala kasi ni Neri, lalamig at lala-mig din ang isyu tungkol sa kanya. Marami rin ang lumalapit sa akin para tigilan na si Neri. Siyempre, magalang ko silang tinanggihan. At tinitiyak ko mga suki na hindi bodabil ang ginagawa ko, he-he-he! Kahit anong pananakot pa ang gagawin nila, hindi ako titinag o bibigay, di ba mga suki? Isusunod ko ang bahay ni Apeng Sy sa Retiro at ang nakapaligid sa mga magagandang bebot sa kanya. Abangan!

APENG

APENG SY

ARTURO LOMIBAO

BAYANI NERI

IKA

MPD

NERI

SUKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with