^

PSN Opinyon

‘Huwag Tiyong!...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
KASONG RAPE ang tampok sa araw na ito. Inireklamo ng isang 11 taong gulang ang kinakasama ng kanyang tiyahin matapos umanong pagsamantalahan ito.

Nagsadya sa aming tanggapan si Necita Sapnay ng Lower Bicutan, Taguig upang humingi ng tulong sa kaso ng anak nitong menor-de-edad na umano’y pinagsamantalahan.

Pinili ni Necita na mangibang bansa para sa tatlo nitong anak. Nais umano niyang mabigyan ng magandang kinabukasan kaya naisip niyang sa ibang bansa magtrabaho at para makatulong na rin sa asawa nitong si Pedro.

"Dalawang taon ako nagtrabaho sa Qatar kaya ang asawa ko lang ang kasama ng aming anak," sabi ni Necita.

Dahil wala sa bansa si Necita naging malapit ang nag-iisang anak nitong babae sa kapatid niyang si Pilar. Itinago na lamang natin sa pangalan Annie, 11 taong gulang, ang umano’y biktima ng panggagahasa ng suspek na si Joseph Ramo, 38 taong gulang.

"Ang suspek na si Jospeh ay kinakasama ng kapatid ko kaya magkasama sila sa iisang bahay," sabi ni Necita.

Pagsapit ng Biyernes, sa bahay nina Pilar namamalagi ang biktima. Malapit si Annie sa kanyang Tita Pilar sapagkat itinuring na rin nitong ina ang kanyang tiyahin habang nasa ibang bansa ang inang si Necita.

Ika-7 ng Oktubre 2005 bandang alas-11:30 ng gabi nang magising si Pilar. Nagtataka ito kung bakit wala pa sa tabi niya si Joseph at bakit ganoon kalakasan ang volume ng telebisyon.

"Bumangon daw ang ate ko para magpunta sa banyo at para tingnan na rin itong si Joseph. Nagtaka siya kung bakit nakabukas ang telebisyon pero wala naman sa sala ang suspek. Nakita niyang nakaawang ng konti ang pintuan ng kuwarto ng bata at bukas din daw ang ilaw kaya sinilip din daw niya ito," salaysay ni Necita.

Gulat na gulat umano si Pilar nang masaksihan nito ang ginagawa ng kanyang kinakasama sa pamangkin nitong si Annie. Huling-huli nito ang suspek na ipinasok ang dalawang daliri nito sa ari ng biktima.

Tulog na tulog pa rin ang biktima habang ginagawa ng suspek ang makamundong pagnanasa nito. Ginising ni Pilar ang pamangkin subalit tulog pa rin ito.

"Pinagsasampal at pinagmumura daw ito ng kapatid ko. Tumayo na rin daw ito at dumiretso sa sala at nagpatuloy sa panonood ng telebisyon. Para nga raw walang nangyari kaya muli siyang pinagsasampal ng kapatid ko," pahayag ni Necita.

Pagkatapos nito ay pumunta sa kuwarto ang suspek. Kinuha umano nito ang pera at sinabihan na kung maaari ay pag-usapan na lamang ang nangyaring iyon pero hindi pumayag si Pilar sa kagustuhan ng suspek.

"Tuluyan na ring lumayas si Joseph sa bahay ng kapatid ko dala ang mga damit nito at sumakay sa pag-aari nitong motor. Pagkaalis daw ni Joseph ay muli niyang ginising ang anak ko pagkatapos ay pumunta sa bahay ng mga kapatid namin ang ate ko at pinaalam din niya agad ang nangyari sa anak ko," sabi ni Necita.

Muling bumalik ng bahay si Pilar kasama ang iba pang mga kapatid nito para tingnan si Annie. Nag-usap-usap ang magkakapatid at napagkasunduang isangguni ang nangyari sa kanilang barangay.

Sinabihan sila sa barangay na ipa-medical sa Taguig-Pateros Hospital ang biktima upang ipasuri subalit pinayuhan din silang mas makabubuting sa Camp Crame na nila ito dalhin.

"Kinaumagahan ay dinala na nga daw nila ang anak ko at pagkatapos ay nagreklamo na rin sila upang masampahan ng kaso ang suspek," sabi ni Necita.

Sa pahayag ng biktima, hindi lamang iyon ang pagkakataong pinagsamantalahan siya ng suspek. May pagkakataon ding hinalikan siya umano sa labi at hinihipuan din sa maseselang bahagi ng katawan nito. Hindi nagawang magsumbong ng biktima dahil tinatakot umano siya ng suspek.

"Tinatakot daw siya ni Joseph na oras na magsumbong siya sa mga ginagawa nito sa kanya ay papatayin nito ang kanyang Tita Pilar. Maraming beses na rin daw siyang pinagsamantalahan nito pero hindi lang makapagsabi ang anak ko," kuwento ni Necita.

Samantala wala naman ang ama ni Annie nang maganap ang insidente. Ang hipag nitong si Gladys ang nagpaalam kay Pedro kaya galit na galit ito nang malaman ang ginawang pananamantala sa anak.

"Si Pilar ang sinisisi ng asawa ko dahil kung hindi daw ito nakisama kay Joseph hindi mangyayari sa anak namin ito," pahayag ni Necita.

Nagsampa ng kasong Rape in relation to R.A 7610 laban kay Joseph. Ayon sa pamilya ng biktima, isang beses dumalo ang suspek subalit hindi naman ito nagbigay ng kontra-salaysay.

"Hangad namin na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa anak ko. Sana lumabas na ang resolution dahil matagal na rin kaming naghihintay.

Nais kong pasalamatan ang tanggapan ni Administrator Benedicto Ulep ng Land Registration Authority sa walang sawa niyang pagpapadala ng representative sa aming tanggapan para sa may mga problema sa lupa. Nagpapasalamat din ako kay Engr. Porferio Encisa Jr., Chief, Subdivision and Consolidation Division ng LRA.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Abangan ang iba’t ibang isyung tatalakayin sa aming radio program HUSTISYA PARA SA LAHAT kasama si DOJ Secretary Raul Gonzalez, State Prosecutor II Olive Non at ang inyong lingkod, tuwing Sabado alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ 882 am band.
* * *
E-mail address: [email protected]

ANAK

BIKTIMA

DAW

NECITA

NITO

PILAR

SUSPEK

TITA PILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with