^

PSN Opinyon

Unggoy vs Barbaro

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Unggoy vs Barbaro

“Lahat naman tayo galing sa unggoy.” ‘Yan ang palusot ni maka-Communist China senator Robin Padilla sa paglara­wan ng China Daily sa ating mga Filipino bilang unggoy. Na­­ka­kasuklam siya.

Naka barong tagalog ang unggoy sa AI video. Walang label na Filipino ito pero malinaw ang patama. May dalawang kamay, markang US at Japan, na nag-abot ng papel, “South China Sea Arbitration Award”. Minamaliit ang panalo ng Pili­pino nu’ng 2016 sa kaso kontra pang-aagaw ng China sa SCS. Binuwal ang unggoy ng water cannon.

Napahiya ang China Ministry of Foreign Affairs sa kaba­bawan ng AI video. Kesyo wala raw silang kinalaman du’n. Kasinungalingan! State newspaper ang China Daily.

Talbog sa China ang black propaganda nito. Ang unggoy na si Sun Wukong ay bayani sa 16th-century classic novel na “Journey to the West” kung saan pinabagsak niya ang malupit at dupang na Jade Emperor.

Matandang sibilisasyon ang China. Pero barbaro ang komunistang pamunuan nito. Ninanakawan nito ng yamang dagat ang maraming bansa. Sinusuhulan ang mga lider ng mahihinang bansa. Winawasak ang sariling heritage sites sa ngalan ng photo-ops pang-turista.

Apat na kalupitan ang pinatupad ng Communist China:

(1) Pinuwersa ni Mao Zedong mag-industrialize sa Great Leap Forward 1958-1962. Nilusaw ang mga araro at karet para gawing makina. Tatlumpung milyong magbubukid ang namatay sa gutom.

(2) Naglunsod si Mao ng Cultural Revolution 1966-1976. Kinulong at pinahirapan ang mga intelektwal at kontra-komunista. Dalawang milyon ang namatay.

(3) Sa utos ni Deng Xiaoping sinupil ng army ang protesta ng kabataan nu’ng 1989. Mahigit 10,000 ang minasaker sa pagbaril, pagbomba, at pagsagasa ng tangke.

(4) Sa one-child policy nilimita sa isang anak kada pamilya­. Hanggang ngayon pag-aari ng estado ang katawan ng mga babae.

UNGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with