EDITORYAL Kulang ang kaalaman sa landslides at flash floods
February 21, 2006 | 12:00am
ISANG dahilan kung bakit maraming tao ang namamatay sa pagkaguho ng lupa at biglaang pagbaha ay dahil sa kamangmangan. At maituturo ring kasalanan ng gobyerno sapagkat hindi nila nabigyan ng impormasyon o kayay babala ang mga tao hinggil sa pagguho ng lupa at pagbaha.
Noong 2003 pa pala nalaman ng gobyerno na ang St. Bernard sa Southern Leyte ay landslide-prone area. Alam na nilang magkaka-landslides sa lugar lalo pa at kung walang tigil ang pag-ulan. Pero ang pagkakaalam na magkaka-landslides sa nasabing lugar ay hindi umano nagawang ipabatid ng gobyerno sa taumbayan. Hindi nabigyan ng tamang impormasyon ang mga tao roon tungkol at kung paano ang mga gagawin kapag nagka-landslides.
Nang mangyari na ang kinatatakutang pagguho ng lupa sa Bgy. Guinsaugon sa St. Bernard, noong Biyernes, naglabasan na naman ang mga nakasanayan nang pagtuturuan at mga paninisi. Karaniwan na ang ganyang senaryo kapag may nangyayaring trahedya.
Kailangan munang may mamatay o masugatan bago tuluyang makita ang kahalagahan ng pagbibigay ng babala. Kung nabigyan kaagad ng babala ang mga taga-Bgy. Guinsaugon hinggil sa tamang gagawin kung magkakaroon ng landslides, hindi sana nagbuwis ng buhay ang mga tagaroon. Pero sa isang iglap ay marami ang nalibing nang buhay. Umanoy mahigit 70 bangkay na ang nahuhukay sa makapal na putik at mahigit 1,000 pa ang nawawala kabilang ang mga teachers at estudyanteng natabunan ang kanilang school habang nagkaklase.
Kulang sa kaalaman ang taumbayan hinggil sa pagguho ng lupa kaya naman marami sa kanila ang hindi nakapaghahanda. Isang leksiyon (na naman) ang dapat makuha sa nangyaring landslides sa St. Bernard. At sanay hindi na magningas-kugon ang gobyerno sa pagbibigay ng babala. I-educate ang mga tao tungkol sa landslides at flashfloods para maiwasan ang pagkamatay. Hindi na dapat maulit ang malagim na trahedya sa St Bernard.
Ibigay ang mga palatandaan o panganib na may lanslides o kayay flashflood. Turuan ng mga tao na gumawa ng sarili nilang equipment na magdedetermine kung kailangan na nilang mag-evacuate sa kanilang lugar dahil sa baha. Dapat ding malaman ng taumbayan kung ang bundok sa kanilang lugar ay may crack. Pansinin ang pagtaas ng tubig at mahalagang malaman kung ang tubig na galing sa bundok ay malakas ang agos. Kung hindi may posibilidad na ito ay naka-stack sa bundok.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended