^

PSN Opinyon

Si Gen. Avelino Razon Jr.

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ISA ako mga suki sa libu-libong Pinoy na sumusubaybay dito sa career ni Dep. Dir. Gen. Avelino Razon Jr. ang kasalukuyang deputy chief for operations ng PNP natin. Dalawang beses nating nakasama sa Manila Police District (MPD) itong si Razon kaya’t kabisado natin ang kanyang kasipagan sa trabaho at maging sa mga innovative niyang programa para pangalagaan ang katahimikan sa Maynila nga. At hindi tayo nagtaka mga suki ng igawad ng Philippine Military Academy (PMA) alumni Inc. (PMAAI) ang pinag-aagawang Cavalier award for command and administration kay Razon sa darating na Sabado.

Hindi nagkamali ang PMAAI sa kanilang desisyon. Kasi nga junior days pa lang ni Razon sa defunct PC eh nakikibaka na siya sa kalaban ng gobyerno lalo na sa aspeto sa droga. ‘‘Known for his major anti-crime operations, Razon was cited for always making a difference and consistently outdoing himself in every post he held,’’ anang citation ng PMAAI. Alam n’yo naman na manok ng libu-libong Pinoy si Razon para sa puwesto na babakantehin ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao sa Hulyo. Kaya kayo mga suki, kanino pa ba kayo tataya kundi ke Razon, di ba?He-he-he!

Kung accomplishments lang ang pag-uusapan, angat na si Razon sa mga kalaban niya. Kung sabagay, si Razon ang napili ng PMMAI Board of Director na isa sa mga parangalan sa Sabado bunga sa kanyang ‘‘dedication, idealism and adherence to the PMAAI’s aim and purposes to the PMA’s motto of courage, integrity and loyalty,’’ ’yan ay ayon kay ret. Gen. Salvador Mison, chairman ng PMAAI.

Bago niya marating ang puwesto niya sa ngayon, si Razon ay naging NCRPO chief kung saan ipinatupad niya ang pioneering feat na ‘‘integrated barangay intelligence network with a state- of-the-art Short Messaging System, which won the trust and confidence of Metro Manilans.’’

Itinaas din niya ang level ng campaign against ‘‘kotong cops’’ pero siyempre ang mga nagtatrabaho naman ay pinapurihan niya o binibigyan ng medalya.

Sa NCRPO, malaking papel ang ginampanan ni Razon para mabuwag ng PNP itong mga notorious na Ranger Gang at Waray-waray gang na itinuturong nasa likod ng sunud-sunod na bank at payroll robberies sa Kamaynilaan. Ihabol ko na ang pag-neutralize ng mga drug laboratories sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at ang paglutas ng Valentine’s Day bombing sa Makati City. O, may laban pa ba ang mga kalaban ni Razon sa mga achievements niya na ‘to? He-he-he! Lampaso ang mga kalaban, di ba mga suki?

Pampainit pa lang ang nabasa n’yo mga suki. Idagdag pa riyan ang programang COMPSTAT na ipinatutupad pa ng NCRPO ay brainchild ni Razon. Ito kasi ang most potent weapon sa ngayon ng NCRPO para labanan ang kriminalidad sa Metro Manila at naging dahilan para bumaba ang crime incidents sa Kamaynilaan nga. Isinulong din ni Razon ang Beat Patrol System, ang pagbuhay ng Detective Bureau at bike patrols at ang pagbuo ng Rail Police para bantayan ang umaabot 400,000 na commuters sa MRT at LRT lines natin. He-he-he! Wala na bang katapusan ’to? Sobrang haba na kasi ng ginawa si Razon sa PNP natin na dapat bigyan pansin ng Palasyo tulad ng ginawa ng PMAAI, di ba mga suki? Teka! Ihabol ko rin na si Razon ang Task Force commander ng mapayapang 23rd ASEAN games na ginanap sa bansa noong nakaraang taon. Sa ngayon, si Razon ang ‘‘manager’’ ng PNP Project Management Office (PMO) na nangangasiwa ng PNP Integrated Transformation Plan ni Lomibao.

ARTURO LOMIBAO

AVELINO RAZON JR.

BEAT PATROL SYSTEM

BOARD OF DIRECTOR

DETECTIVE BUREAU

IHABOL

INTEGRATED TRANSFORMATION PLAN

METRO MANILA

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with