‘Plate No. 7’ ng SUV na nanagasa ng enforcer peke — LTO
MANILA, Philippines — Walang inisyu ang Land Transportation Office (LTO) na protocol plate no. 7 sa SUV na dumaan sa Edsa Bus way at nanagasa ng traffic enforcer sa Guadalupe Station kamakailan.
Ayon sa LTO, tinatayang nasa 30 sasakyan na katulad ng model ng van ang may protocol plate 7 na pawang mga pekeng plaka.
Ang plate no. 7 ay iniisyu sa sasakyan ng mga Senador.
Dahil dito, naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office sa may-ari ng SUV na may protocol number 7 na dumaan sa EDSA bus way.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, may ginagawa nang imbestigasyon ang kanilang hanay hinggil dito
“Clearly, there were violations committed and that included the behavior of the driver of the sports utility vehicle that put to danger the DOTr-SAICT enforcers who were only doing their job,” ani Mendoza.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang LTO sa Department of Transportation-SAICT para matukoy ang registered owner.
Bunsod nito may paalala ang LTO sa mga motorista na mas makabubuting sumunod sa regulasyon upang makaiwas sa aberya o kaso.
- Latest