Pangloloko ng AOWA Electronic Philippines, ibinuko ng dating empleyado
January 16, 2006 | 12:00am
DAHIL sa ginawang panawagan ng BITAG sa pangloloko ng Marketing Strategy ng AOWA Electronic Philippines, dumagsa ang mga tip at sumbong mula sa ibat-ibang lugar na nagtuturo ng mga area of operations ng AOWA.
Dito, natuklasan ng BITAG na hindi lamang sa mga mall sa Maynila naglipana ang mga ahente ng AOWA na humihikayat sa mga customer na sumali sa kanilang panlolokong pa-contest. Maging sa ilang mga probinsiya ay tuloy pa rin ang kanilang pangbibiktima.
Lalo pang lumakas ang pagtugis ng BITAG sa AOWA Electronic Philippines nang dumulog sa aming tanggapan ang dating empleyado ng AOWA at dito ay inaamin niya sa amin ang kanilang scripted na pangloloko sa kanilang mga customer.
Ilan beses na ring naipalabas sa ilang mga programa sa telebisyon ang estilo ng AOWA, subalit hindi rin natigil ang opearsyon ng AOWA at patuloy pa rin ang kanilang pangloloko sa kabila ng mga reklamo at kaso na naisampa sa pamunuan ng AOWA.
Paano nga naman maisasara ang kumpanya kung ang pamunuan ng AOWA, sa pagkakaalam ng lahat ay isang Pilipino, subalit natuklasan ng BITAG na isang Singaporean ang humahawak sa likod nito.
Nagagawa rin ng AOWA na magpalit ng kanilang pangalan sa ilang mga mall na sila ay pinalayas at sinumulang kansilahin ang kanilang kontrata.
Ngayong unit-unti nang nabubulgar sa BITAG ang lahat ng kalokohan ng AOWA, nag-uumpisa nang paliitin namin ang kanilang mundong ginagalawan.
Hindi titigil ang BITAG sa pagtugis sa inyo. Patuloy kaming nakabantay sa inyo hanggat hindi kayo nahuhulog sa aming BITAG.
Abangan ang mga susunod pang mga imbestigasyon ng BITAG tungkol sa AOWA Electronic Philippines.
Marami pa ang susunod!
Anumang reklamo, sumbong at tips tumawag sa 0918-9446417 o sa teleponong 932-53-10 at 932-89-19. Manood ng programang Bahala sina Ben at Erwin Tulfo (Tulfo Brothers) sa UNTV 37, Lunes hanggang Biyernes, 9am-10:30am at mapapakinggan sa DZME 1530 khz 9am-10am.
Dito, natuklasan ng BITAG na hindi lamang sa mga mall sa Maynila naglipana ang mga ahente ng AOWA na humihikayat sa mga customer na sumali sa kanilang panlolokong pa-contest. Maging sa ilang mga probinsiya ay tuloy pa rin ang kanilang pangbibiktima.
Lalo pang lumakas ang pagtugis ng BITAG sa AOWA Electronic Philippines nang dumulog sa aming tanggapan ang dating empleyado ng AOWA at dito ay inaamin niya sa amin ang kanilang scripted na pangloloko sa kanilang mga customer.
Ilan beses na ring naipalabas sa ilang mga programa sa telebisyon ang estilo ng AOWA, subalit hindi rin natigil ang opearsyon ng AOWA at patuloy pa rin ang kanilang pangloloko sa kabila ng mga reklamo at kaso na naisampa sa pamunuan ng AOWA.
Paano nga naman maisasara ang kumpanya kung ang pamunuan ng AOWA, sa pagkakaalam ng lahat ay isang Pilipino, subalit natuklasan ng BITAG na isang Singaporean ang humahawak sa likod nito.
Nagagawa rin ng AOWA na magpalit ng kanilang pangalan sa ilang mga mall na sila ay pinalayas at sinumulang kansilahin ang kanilang kontrata.
Ngayong unit-unti nang nabubulgar sa BITAG ang lahat ng kalokohan ng AOWA, nag-uumpisa nang paliitin namin ang kanilang mundong ginagalawan.
Hindi titigil ang BITAG sa pagtugis sa inyo. Patuloy kaming nakabantay sa inyo hanggat hindi kayo nahuhulog sa aming BITAG.
Abangan ang mga susunod pang mga imbestigasyon ng BITAG tungkol sa AOWA Electronic Philippines.
Marami pa ang susunod!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended