^

PSN Opinyon

MPD magtatamasa ng grasya ngayong 2006?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Malakas ang paniniwala ng mga kausap ko sa Manila Police District (MPD) na maganda ang suwerte nila sa pagpasok ng 2006. Tinitiyak nila na lalagpasan pa nila ang accomplishments nila sa nagdaang taon at ang rank-and-file nga nila ay mabibiyayaan o magtatamasa ng grasya sa ngayong Year of the Dog. May katwiran ang mga kausap ko sa MPD dahil hanggang sa ngayon ay tuloy pa rin ang kahol ni Louis Ponga Jr., ang financier ng malawakang saklaan diyan sa Divisoria at ilang bahagi ng Tondo nga. Hidni rin tumitigil sa pagkahol sina Boy Abang o Oscar Simbulan. Apeng Sy at alyas Razon o Tom Saqueza na mga kilalang financier ng bookies sa karera sa kaharian ni Mayor Lito Atienza. Kaya hindi ako magtataka kung pati si Atienza ay kakahol na rin dahil tinitiyak ng mga kausap ko sa MPD na nakikinabang na rin siya sa mga pasugalan nina Ponga, Boy Abang, Apeng Sy at Tom Saqueza sa pamamagitan ng City Hall detachment niya. Ayon sa mga kausap ko sa MPD, kapag naanggihan sila ng grasya, wala na silang gagawin kundi kumahol nang kumahol. He-he-he! Sana panay grasya ang darating sa MPD natin sa taon na ito para masaya ang kapulisan natin, di ba mga suki?

Pero kung ang mga kausap ko naman ang paniniwalaan, hindi masaya ang lahat sa MPD sa Year of the Dog. Kasi nga, ito palang P135,000 na lingguhang intelihensiya ni Ponga ay sa isang tao lang napupunta. Ayaw naman nilang sabihin kung sino ang nakikinabang kay Ponga. Tiyak kakahol din siya, anila sa MPD official na direktang kausap ni Ponga. Kung sabagay, alam na ng

lahat sa MPD kung sino ang tinutukoy ng kausap ko. Kayo mga suki, kilala rin n’yo siya? Kumahol kayo pag kilala n’yo siya!

Tungkol naman kay Ponga, hindi raw siya magsasara kahit abot-langit pa ang pagbubulgar ko ng saklaan niya. Lalong tumapang si Ponga dahil sa pahayag ng isang Insp. Ed Morata na ituloy lang niya ang saklaan niya at wala pa namang mando sa MPD headquarters na magsara siya. Kaya kahit walang patay sa ngayon, itong saklaan ni Ponga ay lalong nag-expand pa at matatagpuan na ito sa mga kanto at sulok ng Divisoria. Habang kumakahol si Ponga, namaos naman ang lalamunan ni alyas Robles kaya’t hindi siya makakahol. Tulad ng nangyari kasi sa Malabon, kung saan pinataob ni Ponga ang karibal niya na si Aging, aba ’yon din ang ginawa ng bida natin kay Robles. Kung makakahol man itong si Robles sa darating ng mga araw, tiyak napakahina na. He-he-he! Hindi suwerte ni Robles ang Year of the Dog.

Tinatawagan ko sa ngayon si Interior Sec. Angelo Reyes na banatan ang saklaan ni Ponga na lantaran na ang operation sa Maynila. Takot kaya si Reyes na maapakan niya si Atienza na super Bagyo sa Palasyo? Kung hindi kaya ni Reyes na ipatigil ang pagkahol ng taga-MPD bunga sa grasyang tinatamasa nila sa pasugalan, eh anong ahensiya na ang puwede? Ikaw na lang Sec. Reyes Sir ang pag-asa ng mga Manilenyo, bibiguin mo pa ba sila? Hala hawakan mo na ang latigo mo at iwasiwas ito Sec. Reyes Sir para mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga kababayan natin sa Year of the Dog.

ANGELO REYES

APENG SY

BOY ABANG

KUNG

MPD

PONGA

REYES SIR

TOM SAQUEZA

YEAR OF THE DOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with